2015
Ang Ating Pahina
Oktubre 2015


Ang Ating Pahina

Larawan
Product Shot from October 2015 Liahona
Larawan
Child's art depicting sister missionaries standing by a meetinghouse.

Mga sister missionary, ni Abril S., edad 9, Mexico

Larawan
"Four boys from the same ward in Argentina were baptized on the same day. Their bishop (center) stands with them." A missionary and other men are also in the group.

Apat na batang lalaki mula sa iisang ward sa Argentina ang nabinyagan sa loob ng isang araw. Nakatayo ang kanilang bishop (gitna) kasama nila.

Larawan
Child's art depicting the Freiberg Germany Temple.

Natanggap ng aking kapatid at ng isang kaibigan ng pamilya ang kanilang mission call. Walong oras kaming nagbiyahe papunta sa templo sa Freiberg, Germany, para matanggap nila ang kanilang endowment sa templo.

Limang araw kaming namalagi roon para maraming magawa sa temple ang aking pamilya. May isang hostel para sa mga pamilya sa bakuran ng templo. Tinulungan ko at ng ilang bata ang hardinero, at binigyan niya kami ng ice cream. Napakasaya namin.

Inaasam ko na ang susunod na taon na magiging 12 anyos na ako at makakagawa na ako ng mga pagbibinyag sa templo.

Alicka S., edad 11, Slovakia

Larawan
photo of Nisha J

Salamat Po, Diyos Ko

Salamat po, Diyos ko, sa liwanag,

Na araw at gabing kumikinang.

Salamat po, Diyos ko, sa mga puno,

Na hatid ay hanging presko.

Salamat po, Diyos ko, sa marami pang di ko mailarawan,

Ngunit alam na alam kong buhay ko’y Ikaw ang maylalang.

Kahit buhay ko’y hindi gayon kainam,

Basta’t ako’y buhay, ako’y nasisiyahan.

Nisha J., edad 10, Republic of Palau