2015
Naku! Paano Na?
Oktubre 2015


Naku! Paano Na?

Larawan
Product Shot from October 2015 Liahona

Maaari itong mangyari kahit saan—sa tahanan, sa paaralan, o sa bahay ng isang kaibigan. Bigla kang may nakitang alam mo na hindi maganda—sa telepono, TV, computer, o game device, o sa isang aklat o magasin. Ngayon ano ang magagawa mo para gumanda ang pakiramdam mo?

  • Layuan ito. Isara ito. Ilapag ito. Ituring itong parang lason sa iyong utak—dahil lason nga ito.

  • Sabihin sa nanay o tatay mo. Kilalang-kilala ka ng mga magulang mo, at gusto nilang tulungan kang maging ligtas at maligaya. Huwag mahiya. Ang nangyari sa iyo ay nangyayari kung minsan sa halos lahat ng tao.

  • Magpatuloy sa pagsasalita. Makakatulong na sabihin sa nanay o tatay mo kapag hindi ka komportable sa nakita mo sa araw na iyon. Matutulungan ka ng mga magulang mo na gumawa ng plano para hindi ka makakita ng mga bagay na hindi angkop. Kung pakiramdam mo ay nabitag ka, nag-aalala, o parang gusto mong makakitang muli ng isang bagay na di-angkop, siguruhing sabihin din iyan sa kanila.

  • Huwag kang maging kampante. Manood o magbasa ng isang bagay na mabuti. Kumilos. Gumawa ng kabutihan. Magpunta sa pamilya o mga kaibigan.

  • Tandaan mo kung sino ka. Hindi ka masama dahil sa nakita mo. Ikaw ay anak ng Diyos, at mahal ka Niya at gusto ka Niyang tulungan na maging ligtas at maligaya.

  • Kalimutan mo na iyon. Isipin mo na binitawan mo ang tali ng isang lobo at minasdan itong lumipad palayo. Sikaping magrelaks at iwaksi sa iyong isipan ang nakita mo. Ngayon isipin mo ang templo, ang pamilya mo, o ang isang bagay na gustung-gusto mong makita.

Mga paglalarawan ni Shawna J. C. Tenney