2010
Pagdama sa Diwa ng Templo
Abril 2010


Pagdama sa Diwa ng Templo

Cristian Robles, Chile

Nang tawagin akong miyembro ng high council, ipinahayag ng stake president ang hangarin niya na mas maraming miyembro ang magpunta sa templo sa mga araw na itinalaga para sa aming stake. Problema ang masasakyan, kaya’t ang una niyang ginawa ay kontratahin ang isang bus na susundo sa mga miyembro sa lahat ng gusali ng ward sa stake at ihahatid din kami pauwi pagkatapos ng araw na iyon.

Gayunman, may isa pang problema. Maraming ina ang hindi makadalo dahil walang magbabantay sa kanilang mga anak. Habang pinag-uusapan namin ang posibilidad na patulungin ang ilan sa mga kabataang babae mula sa stake sa pag-aalaga sa mga bata, napagtanto ko na maaari kaming tumawag ng isang stake nursery leader. Iminungkahi ko ang ideya sa stake president. Iminungkahi niya na tumawag kami ng mga bagong binyag na maglilingkod bilang mga assistant ng nursery leader upang madama nila ang diwa ng templo. Nang ipatupad ang mga ideyang ito, dumami ang nagsidalo sa templo sa stake namin.