2010
Magsisunod Kayo sa Akin
Abril 2010


Musika

Magsisunod Kayo sa Akin

Pinasimple

May pagpapakumbaba

1. “Magsisunod kayo sa ‘kin,”

Ang wika ni Cristo sa ‘tin,

Upang tayo’y makiisa

Sa Bugtong ng ating Ama.

2. “Magsisunod kayo sa ‘kin,”

Simpleng turan, at taimtim

Dito’y ang katotohanang

S’yang pupukaw sa isipan.

3. Sapat na bang malaman lang

Na dito’y dapat S’yang sundan,

Habang tayo’y nabubuhay?

Hindi, hanggang sa langit man.

4. ‘Di lamang dito susundin,

Halimbawang alay sa ‘tin,

Kundi kahit naroon na

At sa langit kapiling S’ya.

5. Landas N’ya ay tatahakin

Sa paglawak ng tanawin,

At sundan S’ya walang hanggan,

Anuman ang katayuan.

6. L’walhati’t kapangyarihan

At ligaya’y makakamtan

Kung tawag N’ya ay susundin,

“Magsisunod kayo sa ‘kin.”

Mateo 4:19

2 Nephi 31:10–21

Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental, di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.

Mga paglalarawan ni Paul Mann