2010
Ang Ating Pahina
Abril 2010


Ang Ating Pahina

Kung minsan parang hindi ko maunawaan ang isang bagay tungkol sa Simbahan o parang hindi sapat ang pananampalataya ko sa isang partikular na bagay. Tuwing madarama ko ito, nananalangin ako na tulungan ako ng Ama sa Langit. Halos lagi Niya akong sinasagot. Masigla at ligtas ang pakiramdam ko, at tunay kong nadarama na pinakikinggan ng Diyos ang mga dalangin ko at mahal na mahal Niya ako. Ang mga karanasang ito ay nakakatulong sa paglago ng aking patotoo at pagmamahal sa Diyos.

Alam ko na ang Diyos ay ating Ama at mahal na mahal Niya ang bawat isa sa atin. Pinakikinggan Niya ang ating mga problema at isinusugo ang Espiritu Santo para aliwin tayo. Alam ko na nakikinig Siya sa ating mga dalangin at masaya Siya kapag matwid tayo. Labis ang kagalakan ko na malaman na mahal ako ng Diyos at ako ay miyembro ng Simbahan. Alam ko na si Jesucristo ay Kanyang Anak at ating Tagapagligtas.

Deveney R., edad 11, Switzerland

Carlos D., edad 8, Brazil

Viet Minh Tri P., edad 10, Cambodia

Si Daniel K., edad 7, mula sa Denmark, ay isang masaya at matapang na bata. Gusto niyang tumulong sa hardin. Gusto rin niyang tumulong sa pagluluto—lalo na sa pagmamasa ng dough para sa pizza. Nagsisikap siya sa paaralan at gustung-gusto niyang maglaro ng soccer, lumangoy, at umakyat sa mga puno. Mahilig siyang magpaningas ng apoy sa mga aktibidad sa Scouting. Sa simbahan gustung-gusto niya ang mga kuwento tungkol kina Joseph Smith at Jesus, at nasisiyahan siyang kantahin ang “Piliin ang Tama.”