2022
Hindi ako naiiyak kapag nadarama ko ang Espiritu. May mali ba sa akin?
Hunyo 2022


“Hindi ako naiiyak kapag nadarama ko ang Espiritu. May mali ba sa akin?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2022.

Tuwirang Sagot

Hindi ako naiiyak kapag nadarama ko ang Espiritu. May mali ba sa akin?

mga block na may drowing ng mga mukha

Ang pag-iyak ay hindi ang tanging reaksyon sa pagkadama sa Espiritu ng Diyos. Hindi rin ito ang pinaka-karaniwang palatandaan na naroon ang Espiritu.

Sinabi minsan ni Pangulong Howard W. Hunter (1907–95): “Nag-aalala ako kapag parang itinuturing na pagtataglay ng Espiritu ang matinding damdamin o malayang pagdaloy ng luha. Tiyak na ang Espiritu ng Panginoon ay makapagdudulot ng matitinding damdamin, kabilang ang mga pagluha, subalit ang panlabas na pagpapakitang iyon ay hindi dapat ipagkamali sa pagiging naroroon mismo ng Espiritu” (sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Paglilingkod ng Misyonero [2004], 110).

Maraming paraan na nadarama ang Espiritu Santo. Maaari kang makadama ng kapayapaan at kapanatagan. Maaari kang magkaroon ng malinaw na isipan at inspiradong mga kaisipan. O maaari kang makadama ng mga positibong damdamin na tulad ng pagmamahal, kagalakan, kaamuan, tiyaga, o kahit hangarin lang na gumawa ng mabuti. (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 6:15, 23; 8:2; 11:12–14; Galacia 5:22–23; Moroni 7:13.) Kung nararanasan mo ang ganitong uri ng mga bagay, maaari kang magkaroon ng kumpiyansa na nadarama mo ang Espiritu. Ang matitinding damdamin ay maaaring maghatid ng luha sa iyong mga mata, pero hindi mo dapat isipin na ito ang pinakatiyak o pinakamainam na paraan para madama ang Espiritu.