“Pagiging Mas Malapit sa Diyos,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2022.
Ang Tema at Ako
Ibinahagi ng mga kabataan kung paano nila ipinamumuhay ang mga salita sa Mga Tema ng Young Women at Korum ng Aaronic Priesthood
Pagiging Mas Malapit sa Diyos
“Buong puso, kakayahan, pag-iisip, at lakas, iibigin ko ang Diyos, at tutuparin ko ang aking mga tipan.”
Ang kapatid kong lalaki ang unang miyembro ng aming pamilya na sumapi sa Simbahan. Isa siyang napakagandang halimbawa sa akin. Ilang taon matapos siyang mabinyagan, nagsimulang makinig ang buong pamilya ko sa mga missionary. Nagpasiya akong sumapi sa Simbahan dahil alam kong totoo si Jesucristo at ito ang Kanyang totoong Simbahan. Matapos akong mabinyagan, pakiramdam ko ay muli akong isinilang sa isang bagong buhay. Nangako ako sa Diyos na susundin ko ang Kanyang mga utos. Kung gusto nating bumalik sa Ama sa Langit, kailangan nating sundin ang Kanyang mga kautusan.
Tinutulungan tayo ng Espiritu Santo na sundin ang mga kautusan, tulad ng pagsunod sa ating mga magulang. Gusto kong nagbibisikleta kasama ang mga kaibigan ko. Sinabi sa akin ng mga magulang ko na huwag akong masyadong lalayo, pero gusto ng mga kaibigan ko na magbisikleta nang malayuan. Minsan ay inimbita ako ng mga kaibigan ko na magbisikleta nang malayuan, pero nadama ko na hindi ako dapat pumunta. Umalis ang mga kaibigan ko at nasaktan ang isa sa kanila. Kalaunan ay naging OK siya, pero masaya ako na nakinig ako sa Espiritu at sumunod sa aking mga magulang.
Sinisikap kong mapalapit sa Diyos araw-araw. Tinutulungan ako ng mga banal na kasulatan na mahikayat na gawin ang tama. Sinisikap ng pamilya ko na sama-samang magdasal araw-araw. Gustung-gusto ko ring magpinta at mag-sketch. Gustung-gusto kong idrowing ang Tagapagligtas. Gusto kong palagi ko Siyang kasama.
Alam kong mahal ako ng Ama sa Langit, at mahal ko Siya. Dahil napakarami ng biyayang ibinigay sa akin ng Ama sa Langit, gusto kong magmisyon. Gusto kong turuan ang iba tungkol sa Ama sa Langit at kung ano ang ginagawa Niya para sa atin.
Makadarama tayo ng kaligayahan mula sa ebanghelyo, at maaari natin itong ibahagi sa iba.
Ang awtor ay naninirahan sa New Delhi, India.