2022
Masayang Bahagi
Hunyo 2022


“Masayang Bahagi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hun. 2022.

Masayang Bahagi

Pigilan ang mga Tulisan!

Kasalukuyang binabantayan ang mga pader sa labas ng bayang ito ng mga Israelita laban sa pagsalakay. Sila ay may tatlong bantay na nakamasid sa bawat pader (may ilang bantay na mahigit sa isang pader ang binabantayan). Nagpasiya sila na nais nila ng apat na bantay sa bawat pader pero hindi sila makapagdagdag ng mga bantay.

Paano nila ito magagawa? I-set up ang puzzle gamit ang mga lapis, posporo, o patpat. Gumamit ng maliliit na bato o iba pang mga piraso para kumatawan sa mga bantay.

mga posporo

Mga larawang-guhit ni Josh Talbot

Mamulot at Humayo

Ang pamumulot ay batas noong panahon ng Lumang Tipan na nagpahintulot sa mga tao na pulutin ang pagkaing naiwan sa unang pag-ani.

Aling landas ang may pinakamaraming butil bago makarating sa bungkos sa gitna? Kailangan itong magtapos sa bungkos nang hindi binabangga ang mga pader. Gayundin, hindi mo puwedeng gamitin ang parehong bahagi ng landas nang dalawang beses, bagama’t maaari kang bumalik sa isang bahaging nadaanan mo na.

maze

Maglaro nang Magkasama, nang Magkahiwalay

Narinig mo na ba ang tungkol sa “correspondence chess” (o chess sa pamamagitan ng koreo)? Ilang siglo na itong ginagawa! Dalawang manlalaro ang nagse-set up ng chess board sa bahay at pagkatapos ay ipinapadala sa isa’t isa ang kanilang pagtira.

Ngayon ay nasa inyo ang lahat ng uri ng kagamitan sa komunikasyon para makakonekta sa mga tao kapag hindi kayo maaaring magkasama. Narito ang ilang ideya para sa mga aktibidad na magagawa bagama’t magkaiba ang inyong lokasyon.

Correspondence chess. Ipadala sa isa’t isa ang laro pagkatapos ninyong tumira. Video chat? Text? Drone?!

Drowing. Bawat isa sa inyo ay magdodrowing ng bahagi ng isang larawan (digital o sa papel) at pagkatapos ay ipadadala ito sa isa pa para magpatuloy.

Jigsaw puzzle. Bawat isa sa inyo ay maaaring bumili ng kopya ng parehong jigsaw puzzle at magpadala ng mga retrato ng nagawa na ninyo. O maaaring kumpletuhin muna ng pangatlong tao ang isang puzzle at pagkatapos ay maingat itong paghiwalayin at padalhan kayo ng tig-kalahati nito.

Mga resipe. Sabay na gagawin ng bawat isa sa inyo ang parehong resipe. Magpadala ng mga retrato o video habang ginagawa ito at pagkatapos gawin ito.

Pagbabasa. Magsalitan sa malakas na pagbabasa ng isang kabanata ng parehong aklat. Ipadala ang mga recording o i-live stream ito.

Pagsusulat ng mga kuwento o tula. Magsalitan sa pagsulat ng bahagi ng isang kuwento o linya o talata ng tula.

Komiks

komiks

David, kung hindi mo kukunin ang alinman sa baluti, kunin mo man lang ito!

Val Chadwick Bagley

Mga Sagot

Pigilan ang mga Tulisan!:

matchstick puzzle

Mamulot at Humayo: Landas A