“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2022.
Kumonekta
Varvara C. at Ivanna V.,
16 at 15, Ukraine
Larawang ibinigay ng pamilya
Hi! Magkapatid kami mula sa Ukraine. Dahil kami lang ang mga miyembro ng Simbahan sa aming paaralan, marami kaming pagkakataong anyayahan ang aming mga kaibigan sa mga aktibidad ng Simbahan at ituro sa kanila ang tungkol sa ating mga pamantayan. Pareho kaming mahilig sumayaw, pero kung minsan ang aming folk-dance group ay nagpapraktis sa araw ng Linggo. Kapag ipinaliliwanag namin sa aming mga kaibigan na hindi kami dumadalo sa mga praktis sa araw ng Linggo dahil sa simbahan, nagtatanong sila sa amin.
Varvara: Kung hindi maganda ang araw mo, maaari mong basahin ang Aklat ni Mormon at humingi ng tulong. Minsan, habang nagbabasa ako, nakita ko ang isang talata na parang katulad ng araw ko at ng mismong sitwasyon ko. Gustung-gusto ko ang pakiramdam at kapaligiran sa simbahan. Gustung-gusto ko ring kinakanta ang mga himno dahil tinutulungan ako nitong madama ang Espiritu.
Ivanna: Hindi ko iniisip na mahigpit o mahirap ang mga kautusan. Sa halip, nakikita ko ang mga pagpapalang nagmumula sa mga ito, lalo na sa Word of Wisdom. Sa Ukraine, maraming tinedyer ang umiinom ng alak. Nagtatrabaho ako sa isang kuwadra ng kabayo, at kapag inaalok ako ng alak ng mga katrabaho ko, sinasabi ko sa kanila na hindi ako umiinom. Hindi naman nabawasan ang pagtingin nila sa akin dahil dito. Nanindigan ako at hindi ako nagpatukso. Alam kong hindi ako nag-iisa. Sinusuportahan ako ng Ama sa Langit tuwing may mga problema ako.