2021
Ang Una Kong Temple Trip
Oktubre 2021


Ang Una Kong Temple Trip

Larawan
girl in dress, waving

Hola! Ako si Elena. Ito ang unang pagkakataon kong pumunta sa templo.

Larawan
girl talking with bishop

Ilang linggo pa lang ang nakalipas, kinausap ako ng bishop ko. Tinanong niya ako ng ilang bagay para matiyak na handa na akong pumunta sa templo. (Mababasa mo ang mga tanong sa pahina 35!) Pagkatapos ay binigyan niya ako ng sarili kong temple recommend.

Larawan
girl packing bag for temple, brother tying tie

Naghahanda na kaming umalis. Nagsusuot ako ng damit-pangsimba. Nag-eempake rin ako ng ilang bagay para maayusan ko ang buhok ko matapos itong mabasa. At tinitiyak kong dala ko ang aking recommend. Ngayo’y paalis na kami para mahabol ang bus!

Larawan
girl and brother riding bus to temple in Spain

Hayun ang templo! Napakaganda nito.

Larawan
girl showing recommend at temple

Kapag naglalakad ako sa loob ng templo, nakakaramdam ako ng kapayapaan. Ipinapakita ko ang aking recommend sa mabait na temple worker sa front desk. Binibigyan ako ng isa pang temple worker ng puting jumpsuit. Nagpupunta ako sa locker room para magbihis.

Larawan
girl in white, standing by baptismal font

Ngayon ay hinihintay ko ang pagkakataon ko na mabinyagan. Kapag ang kapatid ko nang lalaki ang bibinyagan, tumatayo ako sa tabi ng bautismuhan para maging saksi. Sinisigurado ko na nakalubog siya nang husto sa tubig.

Larawan
girl in white being baptized

Ako na ba! Mainit-init ang tubig. Nabinyagan ako nang sunud-sunod para sa ilang tao.

Larawan
girl being confirmed

Pag-ahon ko, inaabutan ako ng isang temple worker ng tuwalya. Nagbabanlaw ako sa silid-bihisan at isinusuot ko ulit ang aking damit-pangsimba. Paglabas ko, dinadala ako ng isang temple worker para makumpirma para sa ilang tao.

Larawan
brother and sister leaving temple

Talagang espesyal ang oras ko sa templo! Masaya ako na natutulungan ko ang iba sa pamamagitan ng pagpapabinyag at pagpapakumpirma para sa kanila. Sabik na sabik na akong makabalik sa lalong madaling panahon.

Larawan
Friend Magazine, Global 2021/10 Oct

Mga paglalarawan ni Rachel Hoffman-Bayles