2021
Minamahal na mga Magulang
Oktubre 2021


Minamahal na mga Magulang,

Larawan
letter to parents

Maituturo ninyo sa inyong mga anak ang tungkol sa templo kahit bata pa sila. Kahit walang templo sa malapit, matutulungan ninyo silang maghandang makakuha ng temple recommend. Basahin ang kuwento sa pahina 36 nang sama-sama, at pag-usapan kung paano sila maaaring maghandang pumasok sa templo. Maaari mo ring gamitin ang pahina 35 para pag-usapan ang tungkol sa interbyu sa templo. Ipaalala sa kanila na hindi sila kailangang maging perpekto para maging karapat-dapat.

Sa pahina 24, maipapakita ninyo sa kanila kung ano ang pakiramdam ng magsagawa ng mga pagbibinyag sa templo. Kung nakapunta na kayo sa templo, sabihin sa kanila kung ano ang kahulugan nito sa inyo. Tulungan silang asamin na makapunta roon balang-araw!

Nagmamahal,

Ang Kaibigan