2021
Isang Banal na Lugar
Oktubre 2021


Kaibigan sa Kaibigan

Isang Banal na Lugar

Mula sa isang interbyu ni Chad Strang.

Larawan
silhouette of Salt Lake Temple

Napakalapit ng opisina ko sa Salt Lake Temple. Kapag dumudungaw ako sa bintana, nakikita ko ang mga salita sa templo na nagsasabing, “Kabanalan sa Panginoon: Ang Bahay ng Panginoon.”

Ang mga salitang iyon ay nasa bawat templo. Ang “Kabanalan sa Panginoon” ay nagpapaalala sa atin na kailangan nating maging marapat na makapasok sa loob.

Ang ibig sabihin ng maging marapat ay sikaping gawin ang gusto ng Panginoon na gawin natin. Kahit sa murang edad ninyo, maaari kayong maghandang makapasok sa templo balang-araw.

Maaari kayong maghanda sa simpleng mga paraan. Maaari ninyong malaman ang tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo Maaari kayong manalangin. Maaari kayong tumanggap ng sakramento. Maaari kayong sumunod sa mga kautusan. Maaari kayong maghanap ng mga pangalan ng mga ninunong hindi nabinyagan kailanman para mabinyagan ang isang tao para sa kanila sa templo. Maaari kayong magsikap na maging mabait, mahalin ang mga nasa paligid ninyo, magpatawad, at maglingkod.

Habang ginagawa ninyo ang mga bagay na ito, nagiging handa ang inyong puso na pumasok sa bahay ng Panginoon, na isang lugar ng kabanalan.

Larawan
Friend Magazine, Global 2021/10 Oct