2021
Isang Pagdiriwang ng Kaarawan sa Templo
Oktubre 2021


Isang Pagdiriwang ng Kaarawan sa Templo

Larawan
girl thinking of temple

Parating na ang kaarawan ni Lydia.

“Ano ang gusto mo para sa kaarawan mo, Lydia?” tanong ni Inay.

Nag-isip si Lydia nang ilang minuto. Gusto ba niya ng isang bagong laruan? Gusto ba niya ng isang aklat na mababasa? Pagkatapos ay nalaman ni Lydia ang pinakagusto niya.

“Gusto ko pong bisitahin ang templo,” sabi ni Lydia. Gusto niyang makasama ang kanyang pamilya. Gusto niyang pumunta sa isang lugar na masaya. At anong lugar ang mas sasaya pa kaysa sa templo?

Sa kaarawan ni Lydia, naghanda si Inay, si Itay, si Lydia, at ang kanyang mga kapatid na babae na magbiyahe patungong templo. Inanyayahan pa nga ni Lydia ang kaibigan niyang si Grant.

Matagal ang biyahe. Pero OK lang iyon. Nagbiruan sina Lydia, Grant, at ang kapatid niyang si Lucy. Kinuwentuhan niya ang kanyang maliliit na kapatid na babae na sina Eliza at Ellie.

At sa wakas ay nakikita na ni Lydia ang templo. Nakarating na sila!

“Tingnan ninyo ang anghel na si Moroni!” sabi ni Lydia. Itinuro niya ang templo.

Pagkalabas niya ng kotse, nagmamadaling pumunta si Lydia sa tarangkahan ng templo.

May magagandang puno sa paligid ng templo. Ang mga puno ay may mga dahon na kulay orange at dilaw. Natapakan ni Lydia at ng kanyang pamilya ang mga dahon sa lupa nang maglakad sila sa paligid ng templo.

Larawan
family visiting temple grounds

Isang malakas na hangin ang umihip sa mga puno. Minasdan ni Lydia ang paglipad ng mga dahon sa hangin. Tumakbo siya para saluhin ang isang dahon bago ito bumagsak sa lupa. Maganda iyon! Ibinulsa niya iyon.

Binasa ni Itay ang karatula sa templo. Sabi roon, “Kabanalan sa Panginoon: Ang Bahay ng Panginoon.”

“Nangangahulugan iyan na madarama natin na malapit tayo kay Jesus dito,” sabi ni Inay.

Nakadama ng kapayapaan si Lydia. Napakasayang lugar nito!

Habang nagbibiyahe sila pauwi, inilabas ni Lydia ang dahon niya. Pagdating niya sa bahay, ilalagay niya iyon sa kanyang espesyal na kahon. Sa gayong paraan, palagi niyang maaalala ang napakagandang araw na ito!

Larawan
Friend Magazine, Global 2021/10 Oct

Mga paglalarawan ni Tina Finn