2021
Para sa Mas Nakatatandang mga Bata
Oktubre 2021


Para sa Mas Nakatatandang mga Bata

Larawan
Friend Magazine, Global 2021/10 Oct

Tip para sa mga Bata at Kabataan

Kapag nagtatakda ka ng mithiin, humanap ng paraan para masubaybayan ang iyong pagsulong. Maaari mong isulat kung ano ang natututuhan mo, kausapin ang isang kaibigan o kapamilya, o gumawa ng chart para masubaybayan kung ano ang isinasagawa mo.

Isang Missionary sa Hinaharap

Larawan
A photo Daniel De-Cerqueira Lemke

Ang pinakamatayog kong pangarap ay ang maging missionary. Noong minsan na nasaktan ako nang malubha, dumating ang mga missionary at binasbasan ako para gumaling. Nang magising ako at makita ko sila, lalo kong hinangad na maglingkod at ipalaganap ang ebanghelyo sa buong mundo! Mahal ko ang aking Ama sa Langit, at alam ko na mahal Niya ako at ang aking pamilya.

Daniel L., edad 13, Espírito Santo, Brazil

Lihim na Paglilingkod

  • Gumawa ng isang card para sa Primary teacher mo.

  • Tawagan ang isang kapamilya na matagal-tagal mo nang hindi nakikita.

  • Ipagdasal na malaman kung sino ang nangangailangan ng tulong mo sa linggong ito.

Paglalarawan ni Ruaida Mannaa