Mga Tulong sa Pag-aaral
10. Ang Lambak ng Adan-ondi-Ahman


10. Ang Lambak ng Adan-ondi-Ahman

Tumatanaw pasilangan sa kabilang ibayo ng lambak ng Adan-ondi-Ahman, isang tahimik at magandang lambak na matatagpuan sa hilagang-kanluran ng Missouri malapit sa komunidad ng Gallatin.

Mahahalagang Pangyayari: Tatlong taon bago siya namatay, tinawag ni Adan ang kanyang mga matwid na angkan sa lambak na ito at ipinagkaloob sa kanila ang kanyang huling pagbabasbas (D at T 107:53–56). Noong 1838, ang Adan-ondi-Ahman ang lugar ng paninirahan ng 500 hanggang 1,000 mga Banal sa mga Huling Araw. Iniwan ng mga Banal ang paninirahang ito nang sila ay paalisin sa Missouri. Bago ang Ikalawang Pagparito ni Cristo sa kaluwalhatian, si Adan at ang kanyang mga matwid na angkan, kabilang na rito ang mga Banal mula sa lahat ng dispensasyon, ay muling magtitipun-tipon sa lambak na ito upang makipagtagpo sa Tagapagligtas (Dan. 7:9–10, 13–14; D at T 27; 107:53–57; 116:1).

Larawan
Ng Larawan 10

10. Ang Lambak ng Adan-ondi-Ahman Dito nagtagpo si Adan at ang kanyang mga matwid na angkan (tingnan sa D at T 107:53–57). Si Adan, ang iba pang mga propeta, at ang matatapat na Banal na mula sa lahat ng panahon ay kakatagpuin ng Tagapagligtas dito bago sumapit ang Kanyang Ikalawang Pagparito.