Mapa 1
Hilagang-Silangan ng Estados Unidos
-
Topsfield Ang lugar ng kapanganakan ni Joseph Smith Sr., isinilang noong ika-12 ng Hulyo 1771.
-
Gilsum Dito isinilang si Lucy Mack, ika-8 ng Hulyo 1775.
-
Tunbridge Dito ikinasal sina Joseph Smith Sr. at Lucy Mack, ika-24 ng Enero 1796.
-
Whitingham Ang lugar ng kapanganakan ni Brigham Young, isinilang noong ika-1 ng Hunyo 1801.
-
Harmony Isinilang si Emma Hale sa Kabayanan ng Harmony, ika-10 ng Hulyo 1804.
-
Sharon Dito isinilang si Joseph Smith Jr., ika-23 ng Disyembre 1805 (tingnan sa JS—K 1:3).
-
Lebanon Ang mag-anak na Smith ay nanirahan sa Kabayanan ng Lebanon magmula 1811 hanggang 1813, noong panahong iyon makailang beses dumanas ng operasyon sa binti si Joseph Smith Jr.
-
Norwich Ang mag-anak na Smith ay nanirahan dito magmula 1814 hanggang 1816 bago lumipat sa Palmyra.
-
Palmyra Dito lumipat ang mag-anak na Smith noong 1816 (tingnan sa JS—K 1:3).