Mga Tulong sa Pag-aaral
16. Piitan ng Carthage


16. Piitan ng Carthage

Ang bahay-piitan sa bayan ng Carthage, Illinois.

Mahahalagang Pangyayari: Si Joseph Smith at ang kanyang kapatid na si Hyrum ay dinala patungong Carthage noong ika-24 ng Hunyo 1844. Ipinasok sila sa piitang ito noong ika-25 ng Hunyo sa mga maling paratang na pagtataksil. Noong ika-27 ng Hunyo isang pangkat ng mandurumog na may mga 100 kalalakihan na napipinturahang itim ang mga mukha ang lumusob sa piitan. Sina Joseph at Hyrum ay kapwa binaril at napatay, at si John Taylor ay nasugatan nang maraming ulit. Hindi kapani-paniwala, si Willard Richards ay hindi nasugatan. Di naglaon isinulat ni John Taylor ang inspiradong pagsasaalaala na ngayon ay matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 135.

Larawan
Ng Larawan 16

16. Piitan ng Carthage Dito naganap ang pagkakamartir ni Propetang Joseph Smith at ng kanyang kapatid na si Hyrum noong ika-27 ng Hunyo 1844 (tingnan sa D at T 135).