Mga Tulong sa Pag-aaral
17. Exodo Patungong Kanluran


17. Exodo Patungong Kanluran

Ang simula ng paglikas sa Nauvoo, Illinois, ay naiplano ng Marso–Abril, ngunit dahil sa mga banta ng mga mandurumog si Pangulong Brigham Young ay nag-utos na simulan ang exodo ng mga Banal patawid ng Ilog Mississippi noong ika-4 ng Pebrero 1846. Naiwan si Pangulong Young upang pangasiwaan ang mga endowment ng mga Banal at hindi umalis ng Nauvoo hanggang sa kalahatian ng Pebrero.

Mahahalagang Pangyayari: Bago ang kanyang kamatayan si Propetang Joseph Smith ay nagpropesiya, “Ang ilan sa inyo ay mabubuhay upang humayo at tumulong sa paggawa ng mga pamahayan at magtayo ng mga lunsod at makikita ang mga Banal na magiging isang malakas na bansa sa gitna ng Rocky Mountains.” Halos 12,000 mga Banal ang umalis sa Nauvoo mula Pebrero hanggang Setyembre 1846. Matapos lisanin ng mga Banal ang Winter Quarters at pagkaraan ay iba pang mga lugar, sila ay binuo sa mga samahan na tig-sasampu, tig-lilimampu, at tig-iisandaan sa ilalim ng isang kapitan ng samahan (D at T 136:3). Noong Setyembre 1846 may mga mandurumog na humigit-kumulang sa 800 kalalakihan na nasasandatahan ng anim na kanyon ang lumusob sa Nauvoo. Makalipas ang ilang araw na paglalabanan, ang mga nalalabing Banal ay napilitang sumuko upang iligtas ang kanilang mga buhay at magkaroon ng pagkakataong tumawid ng ilog. Lima hanggang anim na raang kalalakihan, kababaihan, at mga bata ang tumawid ng ilog at humimpil sa tabing ilog. Nagpadala si Pangulong Brigham Young ng mga pangkat na tagasagip na may dalang mga panustos upang ilikas ang mga “kaawa-awang Banal” na ito.

Larawan
Ng Larawan 17

17. Exodo Patungong Kanluran Noong ika-4 ng Pebrero 1846 tinawid ng mga unang bagon ang Ilog Mississippi upang simulan ang makasaysayang paglalakbay pakanluran.