Mga Tulong sa Pag-aaral
3. Bahay na Yari sa Troso ni Joseph Smith Sr.


3. Bahay na Yari sa Troso ni Joseph Smith Sr.

Kopya ng tahanan ni Joseph Smith Sr., itinayo sa pook na kinatirikan ng orihinal na bahay na yari sa troso na malapit sa Palmyra, New York. Itinayo ng mag-anak na Smith ang orihinal na tahanan na may isa’t kalahating palapag na pinagputul-putol na troso pagdating nila sa Palmyra.

Mahahalagang Pangyayari: Sa bahay na ito sinaliksik ni Propetang Joseph Smith ang Biblia sa kanyang pagsusumikap na malaman kung aling simbahan ang tama (JS—K 1:11–13). Nagpakita si Moroni kay Joseph at sinabi sa kanya ang tungkol sa laminang Aklat ni Mormon (JS—K 1:30–47).

Larawan
Ng Larawan 3

3. Bahay na Yari sa Troso ni Joseph Smith Sr. Ito ay kopya ng tahanan kung saan minsang nanirahan ang mag-anak na Smith.