Mga Tulong sa Pag-aaral
Mga Larawan ng mga Pook ng Kasaysayan ng Simbahan


Mga Larawan ng mga Pook ng Kasaysayan ng Simbahan

Ang mga larawang ito ng mahahalagang pook ng kasaysayan ng Simbahan ay naglalarawan sa mga lupain kung saan nagsilakad ang mga naunang Banal sa mga Huling Araw, kung saan nanirahan at nangaral ang mga propeta ng makabagong panahon, at kung saan naganap ang marami sa mga pangyayari sa mga banal na kasulatan. Upang matulungan kayong magamit nang mas mabuti ang mga larawan sa inyong pag-aaral, ang bawat larawan ay nilakipan ng maikling paglalarawan. Ang bilang ng paglalarawan at pamagat ay ukol sa larawan na may gayon ding bilang at pamagat. Ang unang talata na kasunod ng pamagat ng paglalarawan ay ipinaliliwanag ang kaligiran ng larawan, kabilang ang mahahalagang bagay na mamasdan at kadalasan kung saang dako nakaharap ang kumukuha ng larawan. Ang mahahalagang pangyayari sa pook na iyon na nakasaad sa mga banal na kasulatan ay natatala, lakip ang mga sanggunian sa mga banal na kasulatan nang sa gayon ay malaman ninyo kung saan pa ninyo mababasa ang tungkol sa mga pangyayaring yaon.