Mga Turo ng mga Pangulo
Buod ng Kasaysayan


Buod ng Kasaysayan

Ang aklat na ito ay hindi kasaysayan; sa halip, ito ay katipunan ng mga alituntunin ng ebanghelyo na itinuro ni Pangulong Wilford Woodruff. Ang kasunod na kronolohiya ay nagbibigay ng maikling buod ng kasaysayan ng mga turong ito. Hindi kasama dito ang maraming mahahalagang pangyayari sa personal na buhay ni Pangulong Woodruff, gaya ng kanyang pag-aasawa at mga kapanganakan at kamatayan ng kanyang mga anak.

1807, Marso 1

Isinilang si Wilford Woodruff sa Farmington, Hartford County, Connecticut, kina Beulah Thompson Woodruff at Aphek Woodruff.

1808, Hunyo 11

Namatay ang kanyang ina sa edad na 26.

1810, Nobyembre 9

Napangasawa ng kanyang ama si Azubah Hart.

1821

Nagsimulang magtrabaho bilang tagapagtistis sa lagarian.

1832

Lumipat siya at ang kanyang kapatid na si Azmon at ang asawa ni Azmon sa Richland, Oswego County, New York, kung saan sila bumili ng isang bukirin.

1833, Disyembre 29

Narinig sa kauna-unahang pagkakataon ang ebanghelyo sa isang miting na pinangasiwaan ng dalawang misyonerong Banal sa mga Huling Araw na sina Elder Zera Pulsipher at Elder Elijah Cheney.

1833, Disyembre 31

Nabinyagan at nakumpirma ni Zera Pulsipher.

1834, Enero 2

Naorden na teacher ni Zera Pulsipher.

1834, Abril

Nagpunta sa Kirtland, Ohio, kung saan niya nakilala si Propetang Joseph Smith.

1834, Mayo hanggang Hunyo

Naglakbay kasama ng Zion’s Camp papunta sa estado ng Missouri. Nanatili sa Clay County, Missouri, para tulungan ang mga Banal doon.

1834, Nobyembre 5

Naorden na priest ni Simeon Carter sa Clay County, Missouri.

1835, Enero 13

Umalis nang Missouri para sa kanyang unang full-time na misyon, ipinangaral ang ebanghelyo sa Arkansas at Tennessee.

1835, Hunyo 28

Naorden na elder ni Warren Parrish malapit sa Memphis, Tennessee.

1836, Abril 19

Tinawag sa Pangalawang Korum ng Pitumpu.

1836, Mayo 31

Naorden na Pitumpu ni David Patten.

1837, Enero 3

Tinawag sa Unang Korum ng Pitumpu.

1837, Mayo 31

Umalis nang Kirtland, Ohio, para magmisyon sa Fox Islands, sa baybayin ng estado ng Maine.

1838, Hulyo 8

Tinawag sa Korum ng Labindalawang Apostol sa pamamagitan ng paghahayag kay Propetang Joseph Smith (tingnan sa D at T 118).

1839, Abril 26

Naorden na Apostol ni Brigham Young sa lugar na kinatatayuan ng templo sa Far West, Missouri.

1839, Agosto 8

Umalis para magmisyon sa England.

1840 hanggang 1841

Naglingkod bilang misyonero sa England. Tumulong para mabinyagan at makumpirma ang mga 2,000 katao. Tumulong sa pagkuha ng karapatang-sipi ng Aklat ni Mormon sa London.

1841, Oktubre 6

Nagbalik sa kanyang pamilya at sa iba pang mga Banal sa Nauvoo.

1841, Nobyembre 21

Naging saksi sa mga unang pagbibinyag para sa mga patay na isinagawa sa bautismuhan o baptistry ng Nauvoo Temple.

1843, Hulyo hanggang Nobyembre

Nagmisyon sa silangang bahagi ng Estados Unidos, na naghahanap ng pondo para makatulong sa pagkumpleto ng pagtatayo ng Nauvoo Temple.

1844, Mayo hanggang Agosto

Nagmisyon ulit sa silangang bahagi ng Estados Unidos.

1844, Hulyo 9

Nalaman ang tungkol sa pagpatay kina Joseph at Hyrum Smith, na naganap noong Hunyo 27.

1844, Agosto 6

Nagbalik sa Nauvoo kasama ng iba pang mga miyembro ng Korum ng Labindalawa.

1844, Agosto 8

Dumalo sa isang kumperensya kung saan sinang-ayunan ng mga Banal sa mga Huling Araw si Pangulong Brigham Young at ang Korum ng Labindalawang Apostol bilang mga pinuno ng Simbahan.

1844, Agosto 12

Tumanggap ng tawag na mangulo sa European Mission.

1846, Abril hanggang Mayo

Nagbalik sa Nauvoo at sa dakong huli ay sumama sa mga Banal sa kanilang paglalakbay patungong kanluran.

1847, Abril 7

Umalis sa Winter Quarters kasama ang unang grupo ng mga pioneer na papunta sa Salt Lake Valley.

1847, Hulyo 24

Dumating sa Great Salt Lake Valley.

1847 hanggang 1850

Ginampanan ang ilang atas na gawain para tulungan ang mga Banal sa pandarayuhan sa Salt Lake City mula sa Winter Quarters at sa silangang Estados Unidos.

1856 hanggang 1883

Naglingkod bilang Assistant Church Historian.

1877, Enero 1 hanggang 1884, Hunyo 17

Naglingkod bilang unang pangulo ng St. George Utah Temple.

1877, Agosto 29

Nalaman ang tungkol sa pagkamatay ni Pangulong Brigham Young at umalis ng St. George para magpunta sa Salt Lake City.

1880, Oktubre 10

Sinang-ayunan bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol sa pangkalahatang kumperensya kung saan sinang-ayu nan si John Taylor bilang Pangulo ng Simbahan.

1882

Ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Edmunds Act, kung saan ginawang mabigat na kasalanan ang pag-aasawa nang mahigit sa isa at pinagbawalan ang mga polygamist (o taong nagkakaroon ng higit sa isang asawa) na bumoto, manungkulan sa tanggapang pampubliko, o gumanap bilang hurado.

1883 hanggang 1889

Naglingkod bilang Church Historian.

1887, Pebrero 19

Ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Edmunds-Tucker Act, isa pang batas laban sa poligamya, na nagpapahintulot sa gobyerno na ilitin o kumpiskahin ang mga lupain ng Simbahan. Ito ay naisabatas noong Marso 3, 1887.

1887, Hulyo 25

Naging senior na Apostol at nangungulong pinuno ng Simbahan sa pagkamatay ni Pangulong John Taylor.

1888, Mayo 17

Inilaan ang Manti Utah Temple.

1889, Abril 7

Sinang-ayunan bilang Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

1890, Setyembre 24

Sa pagtanggap ng paghahayag mula sa Panginoon, nagpalabas ng pahayag na nagsasabing dapat nang itigil ng mga Banal sa mga Huling Araw ang pagkakaroon ng mahigit sa isang asawa.

1890, Oktubre 6

Ang mga miyembro ng Simbahan na dumalo sa pangkalahatang kumperensya ay nagkaisa sa pagsang-ayon sa paghahayag na natanggap ni Pangulong Woodruff tungkol sa pagkakaroon ng mahigit sa isang asawa.

1893, Abril 6

Inilaan ang Salt Lake Temple.

1894, Nobyembre 13

Pinamahalaan ang pagtatatag ng Genealogical Society of Utah.

1897, Marso 1

Dumalo sa pagdiriwang ng kanyang ika-90 taong kaarawan.

1898, Setyembre 2

Namatay sa San Francisco, California, matapos magkasakit sa loob ng maikling panahon.