Liahona
Ano ang Maaaring Ituro sa Atin ng Plano ng Diyos tungkol sa Kanya?
Pebrero 2024


“Ano ang Maaaring Ituro sa Atin ng Plano ng Diyos tungkol sa Kanya?,” Liahona, Peb. 2024.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

2 Nephi 6–10

Ano ang Maaaring Ituro sa Atin ng Plano ng Diyos tungkol sa Kanya?

Larawan
si Jacob na nagtuturo

Nang magturo si Jacob sa kanyang mga tao tungkol sa plano ng kaligtasan, nagalak siya sa nagawang posible ng Diyos para sa atin, lalo na sa pagdaig sa pisikal at espirituwal na kamatayan. Ang mga papuri at turo ni Jacob ay maaaring makatulong sa atin na makita ang ilan sa mga banal na katangian ng Diyos. Kapag nauunawaan natin kung paano ginagamit ng Diyos ang mga katangiang ito upang mapagpala ang ating buhay, magkakaroon tayo ng relasyong mas malapit at mas sumasamba sa Kanya.

Mga Banal na Katangian

Habang pinag-aaralan mo ang 2 Nephi 9, mangyaring alamin ang mga makadiyos na katangiang pinupuri ni Jacob.

Paano makapaghahatid sa atin ng kaligayahan ang bawat isa sa mga sumusunod?

Sundan ang huwaran ni Jacob at punan ang patlang ng mga katangian na nakita mong ipinamalas ng Diyos: “O kaydakila ng ________ ng ating Diyos.”

Pansinin kung paano nauugnay ang mga katangiang iyon sa nagawa ng Diyos. Anong mga dakilang bagay ang nagawa Niya dahil sa Kanyang mga katangian?