2020
Pagpigil sa Pang-aabuso
Oktubre 2020


Pagpigil sa Pang-aabuso

Larawan
silhouette of girl

Sa mabubuting relasyon, ang mga tao ay humihingi ng tawad para sa hindi magagandang nasabi at nagawa nila at umaasa sa nagbabayad-salang lakas ng ating Tagapagligtas para matulungan silang magpakabuti at magsisi. Ngunit sa masasamang sitwasyon, patuloy na tinatrato ng mga tao nang hindi maganda ang iba, at maaaring maging mapang-abuso ang mga relasyong iyon.

“[Ang pang-aabuso at iba pang ] gayong pananakit ng kalooban ay walang puwang sa kaharian ng Diyos,” turo ni Pangulong Russell M. Nelson (“Mga Espirituwal na Kayamanan,” pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2019). Tutulungan tayo ng ilang artikulo sa magasin ng Simbahan sa buwang ito na matukoy at mawakasan ang pang-aabuso:

  • Sa aking artikulo sa pahina 18, tinalakay ko ang mga katangian ng pang-aabuso at nagbigay ako ng ilang resource para matulungan ka o ang mga taong kakilala mo na matukoy ang mga mapang-abusong relasyon at mapagaling mula sa mga ito.

  • Sa pahina 58, ibinahagi ng isang dalagita ang kanyang karanasan noong siya ay nakaranas ng seksuwal na pang-aabuso bilang isang bata at kung paano siya nagkaroon ng tapang at lakas na magsalita at humingi ng tulong mula sa mga mapagkakatiwalaang adult at sa Tagapagligtas.

  • Sa Kaibigan sa buwang ito sa pahina K12, makahahanap ka ng isang aktibidad sa pagsusulat na makatutulong na talakayin ang “pagsasabi ng hindi” sa iyong mga anak. Maaari mong gamitin ang aktibidad na ito bilang batayan para sa isang home evening lesson tungkol sa pag-iwas sa pang-aabuso.

  • Ang emosyonal na pang-aabuso ay kasing mapanganib din ng iba pang uri ng pang-aabuso. Basahin ang “Pagtukoy sa Emosyonal na Pang-aabuso” sa digital na edisyon ng isyu na ito upang malaman ang limang nagbibigay-babala na senyales at kung paano humingi ng tulong.

Kung nasaktan ka na, maaari kang bumaling sa Diyos para sa patnubay at paggaling at humingi ng tulong mula sa mga mapagkakatiwalaang indibiduwal. Nauunawaan ng Panginoon ang nararamdaman natin, at gagabayan Niya tayo tungo sa kaligtasan at kagalakan kapag bumaling tayo sa Kanya.

Nawa’y maramdaman nating lahat ang pagmamahal ng Diyos at humingi tayo ng tulong sa Kanya araw-araw,

Jason Whiting, PhD

Brigham Young University School of Family Life