2020
Paano ako maaaring manalangin tulad ng itinuro ng Tagapagligtas?
Oktubre 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Paano ako maaaring manalangin tulad ng itinuro ng Tagapagligtas?

3 Nephi 17–19

(Setyembre 28–Oktubre 11)

Larawan
How can I pray as the Savior taught

Nang bisitahin ni Cristo ang mga Nephita, 11 beses Siyang nanalangin kasama sila. Sa pamamagitan ng mga salitang sinabi Niya at ng halimbawang ipinakita Niya, itinuro Niya sa kanila kung paano sila dapat manalangin. Patuloy na itinuturo ng mga propeta, tagakita, at tagapaghayag sa mga huling araw kung ano ang itinuro ng Tagapagligtas tungkol sa panalangin. Narito ang ilang halimbawa:

Ang itinuro ng Tagapagligtas

Ang itinuturo ng mga propeta, tagakita, at tagapaghayag sa mga huling araw

Manalangin para sa iba (tingnan sa 3 Nephi 17:14, 17, 21; tingnan din sa 3 Nephi 18:23)

“Ang pananalangin para sa iba nang buong lakas ng ating kaluluwa ay nagpapalakas sa ating kakayahan na pakinggan at sundin ang tinig ng Panginoon.”1

“Mag-ingat at laging manalangin” (3 Nephi 18:15)

“Sa pamamagitan ng taimtim at taos-pusong panalangin natin matatanggap ang mahahalagang pagpapala at suportang kailangan para makapamuhay tayo nang matwid sa kung minsan ay mahirap at puno ng hamon na paglalakbay na ito na tinatawag nating mortalidad.”2

“Manalangin kayo sa inyong mag-anak” (3 Nephi 18:21; tingnan din sa 3 Nephi 17:3)

“Kung … [makikibahagi kayo] sa araw-araw na pagdarasal ng pamilya, …matatanggap ninyo ang ipinangakong mga pagpapala ng Panginoon sa pagpapalaki ng isang mabuting angkan.”3

Huwag magparami ng mga salita (tingnan sa 3 Nephi 19:24; tingnan din sa 3 Nephi 13:7)

“Ang ating mga panalangin ay dapat maging simple, tuwiran, at tapat.”4

“Magpatuloy na manalangin” (3 Nephi 19:26)

“Magdasal nang madalas. Magdasal sa inyong isipan, sa inyong puso. Magdasal nang nakaluhod. Panalangin ang inyong personal na susi sa langit. Ang kandado ay nasa inyong panig ng tabing.”5

Mga Tala

  1. David A. Bednar, “Manalangin Lagi” Liahona, Nob. 2008, 43.

  2. Thomas S. Monson, “Tatlong Mithiin na Gagabay sa Inyo” Liahona, Nob. 2007, 120.

  3. Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Howard W. Hunter (2015), 250.

  4. Dallin H. Oaks, “The Language of Prayer,” Ensign, Mayo 1993, 17.

  5. Boyd K. Packer, “Panalangin at mga Pahiwatig,” Liahona, Nob. 2009, 46.