2020
Paano tayo nakikibahagi sa “kagila-gilalas na gawain” ng Panginoon?
Oktubre 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Paano tayo nakikibahagi sa “kagila-gilalas na gawain” ng Panginoon?

3 Nephi 20–26

(Oktubre 12–18)

Larawan
How do we participate in the Lords marvelous work

Sa maraming bagay na itinuro ng Tagapagligtas sa mga Nephita, itinuro Niya sa kanila ang tungkol sa pagtitipon ng Israel at inutusan Niya silang pag-aralan ang mga banal na kasulatan at mag-ingat ng sarili nilang mga talaan. Paano natin masusunod ang mga turong ito ngayon?

Sumali sa Gawain

Nagpropesiya si Jesucristo tungkol sa isang “kagila-gilalas na gawa” sa mga huling araw (tingnan sa 3 Nephi 21:9). Ang gawaing iyon ay ang pagtitipon ng Israel. Tinawag ito ni Pangulong Russell M. Nelson na “ang pinakamahalagang nangyayari sa mundo ngayon” at sabi niya, “Kung pipiliin ninyo, kung gusto ninyo, maaari kayong maging malaking bahagi nito.”1

  • Kasama ang iyong pamilya, paano mo matututuhan ang iba pa tungkol sa pagtitipon ng Israel at paano ka makikibahagi rito?

Saliksikin ang mga Propeta

Inutusan ng Tagapagligtas ang mga Nephita na “saliksikin ang mga propeta” (3 Nephi 23:5). May pagkakataon tayong marinig na magsalita ang buhay na propeta at ang iba pang pinuno ng Simbahan sa pangkalahatang kumperensya.

  • Ano ang magagawa mo para mas makinabang sa pangkalahatang kumperensya?

  • Paano nakatutulong sa atin sa pagtitipon ng Israel ang “pagsasaliksik sa mga propeta”?

Mag-ingat ng Talaan

Inutusan ni Jesus ang Kanyang mga disipulong Nephita na mag-ingat ng talaan ng Kanyang mga turo at ng mga propesiya ni Samuel na Lamanita (tingnan sa 3 Nephi 23:4, 6–13). Gayundin, maaari nating itala ang ating mga karanasan sa buhay para matulungan tayo at para maturuan ang ibang tao.

  • May mga espirituwal na karanasan ka bang hindi pa naitatala?

  • Paano mo maitatala ang mga bagay na itinuturo sa iyo ng Diyos?