2020
Mahal Naming mga Magulang
Oktubre 2020


Mahal Naming mga Magulang,

Larawan
Dear Parents

Ang bawat bata ay dapat protektahan at alagaan. Nagpakita ng isang halimbawa nito si Jesus sa Aklat ni Mormon, kung saan Siya ay nagbigay ng basbas at nanalangin para sa bawat bata (tingnan sa mga pahina K20–23). Paano natin mababasbasan at mapoprotektahan ang mga batang kilala natin? Narito ang ilang ideya:

  • Maaari natin silang maprotektahan sa pisikal na paraan at maturuan na igalang ang mga katawan ng ibang tao (mga pahina K12–13).

  • Maaari tayong makatulong na maprotektahan sila sa espirituwal na paraan sa pamamagitan ng paghihikayat sa kanila na makibahagi sa sakramento (mga pahina K2–3).

  • Maaari natin silang maturuan na humingi ng tulong kapag kailangan nila ito (pahinang K14–15).

Maaari kayong pumili ng isa sa mga mensaheng ito para basahin nang magkakasama bilang isang pamilya. Tiyakin na alam ng inyong mga anak kung gaano ninyo sila kamahal!

Mahal namin kayo,

Ang Kaibigan

© 2020 ng Intellectual Reserve, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan

Hanapin ang nakatagong Liahona sa loob!

Sa Pabalat ng Kaibigan

Paglalarawan ni Jim Madsen