2020
Sumunod ang Matatapat na Tao kay Jesus
Oktubre 2020


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Sumunod ang Matatapat naTao kay Jesus

Basahin ang tungkol dito sa 3 Nephi 17 hanggang 4 Nephi 1.

Larawan
Jesus breaking bread

Mga paglalarawan ni Apryl Stott

Nang dalawin ni Jesus ang mga Nephita tinuruan Niya sila tungkol sa binyag at kung paano makibahagi sa sakramento. Itinatag Niya ang Kanyang Simbahan.

Larawan
Jesus blessing children

Binasbasan ni Jesus ang bawat bata. Dumating ang mga anghel! Pinagaling ni Jesus ang mga tao at nanalangin Siya para sa kanila. Pagkatapos ay bumalik na Siya sa langit.

Larawan
woman sharing food

Pagkaalis ni Jesus, patuloy na ginawa ng mga tao kung ano ang itinuro Niya. Ang lahat ng tao ay nagtulungan at nagbahagi ng kung ano ang mayroon sila, kaya walang maralita. Binasbasan ng mga lider ng Simbahan ang mga taong maysakit.

Larawan
people talking around a fire

Sa halip na mag-away, pinili ng mga tao na magkasundo. Ang lahat ng tao ay sumunod sa mga kautusan ng Diyos. At naging masaya sila sa loob ng mahabang panahon!

Larawan
children blowing bubbles

Magiging mas masaya ang aking buhay kapag sinunod ko ang mga kautusan ng Diyos. Maibabahagi ko sa ibang tao kung ano ang mayroon ako. Matutulungan ko ang mga tao na magkasundo.