2019
Nagsisi si Pablo
Agosto 2019


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Nagsisi si Pablo

Larawan
Paul Repents
Larawan
Paul Repents 2
Larawan
Paul Repents 3

Pagkamatay ni Jesus, patuloy na nagturo sa mga tao ang Kanyang mga disipulo. Ngunit hindi lahat ng tao ay gusto ang itinuro nila. Isang lalaking nagngangalang Pablo ang malupit at salbahe sa mga sumusunod kay Jesus.

Isang araw habang naglalakbay si Pablo, nakakita siya ng maningning na liwanag mula sa langit. Narinig niya ang tinig ni Jesus! Sinabi ni Jesus kay Pablo na magsimulang tulungan ang mga tao na magsisi at sumunod sa Kanya.

Ikinabulag ni Pablo ang maningning na liwanag. Isang banal na lalaki na nagngangalang Ananias ang nagpagaling ng mga mata ni Pablo at bininyagan siya.

Matapos iyan, itinuro ni Pablo sa mga tao ang tungkol kay Jesucristo. Siya ay magaling na missionary, guro, at lider sa Simbahan ni Cristo.

Maaari kong piliing maging mabait sa halip na maging salbahe. Mapipili ko lagi na sundin si Jesus.