2017
Paanong ang Isang Mensahe sa Kumperensya ay Magpapabago ng Iyong Buhay
October 2017


Paanong ang Isang Mensahe sa Kumperensya ay Magpapabago ng Iyong Buhay

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Talagang maaari kang maging higit na katulad ni Jesucristo. Tutulungan ka ng mga instrumentong ito upang makita kung paano.

Larawan
desk with laptop and general conference issue

Para bang nanghihina ang iyong espiritu? Makakatulong kaya ang kaunting espirituwal na patnubay? Kung gayon, mapalad ka, dahil maaaring ang pangkalahatang kumperensya ang hinahanap mong kasagutan! Sinabi ni Elder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Sa mga batang miyembro ng Simbahan, nangangako ako na kung makikinig kayo [sa pangkalahatang kumperensya], madarama ninyo ang Espiritu na nag-uumapaw sa inyong kalooban. Sasabihin ng Panginoon sa inyo ang nais Niyang gawin ninyo sa inyong buhay.”1

At hindi ito kailangang magwakas sa pagtatapos ng linggo ng kumperensya—maaari mong patuloy na madama ang Espiritu sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga mensahe pagkatapos nito!

Tinutulungan tayo ng kumperensya sa maraming paraan. Marahil ang pinakamahalaga, mas inilalapit tayo nito sa Tagapagligtas sa pagtuturo sa atin kung paano maging higit na katulad Niya. Ang isang napakainam na paraan para makinabang nang husto sa kumperensya ay ang magtuong mabuti sa mga katuruan tungkol sa mga katangiang tulad ng kay Cristo—sa kasalukuyan man ng brodkast o habang pinag-aaralan mo ang mga mensahe pagkatapos nito. Habang ikaw ay nakikinig o nagbabasa na iniisip ang ilang katangian ni Cristo, matutulungan ka ng mga salita at ng Espiritu na malaman kung paano maging higit na katulad ni Cristo.

Maaari mong kunin ang maikling pagsusulit na ito para makita kung aling katangian ang puwede mong pagtuunan ng pansin habang pinag-aaralan mo ang mga mensahe sa kumperensya. (Para sa mas malalim na pagsusulit, tingnan ang Oktubre 2016 New Era o kabanata 6 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo.)

Para sa bawat isa sa siyam na mga katangian ni Cristo na nasa ibaba, piliin ang pangungusap na pinaka-angkop na naglalarawan sa iyo.

  1. Pananampalataya:

    1. Hindi ko tiyak kung si Jesucristo ang aking Tagapagligtas.

    2. Naniniwala ako kay Jesucristo at tinatanggap ko Siya bilang aking Tagapagligtas.

    3. Umaasa akong si Jesucristo ang aking Tagapagligtas.

  2. Pag-asa:

    Larawan
    young man
    1. Panatag ako at maganda ang pananaw ko ukol sa hinaharap.

    2. Natatakot ako sa mangyayari sa hinaharap!

    3. Karaniwan ay hindi ko pinapansin ang hinaharap—kung hindi ko ito iisipin, hindi ako kailangang mag-alala tungkol dito.

  3. Pag-ibig sa Kapwa-tao at Pagmamahal:

    1. Sinisikap kong mahalin ang ibang tao, pero may ilang tao na parang palaging kinaiinisan ko.

    2. Masyado akong abala sa pag-aasikaso sa buhay ko kaya nahihirapan akong isipin ang tungkol sa ibang tao.

    3. Hangad ko ang walang hanggang kapakanan at kaligayahan ng ibang tao.

  4. Kabanalan:

    1. “Pagiging dalisay sa kaisipan at kilos.” Parang hindi masaya yun!

    2. Ako ay malinis at dalisay ang puso ko.

    3. Nahihirapan akong manatiling malinis at dalisay.

  5. Kaalaman:

    Larawan
    young woman reading scriptures with younger sister
    1. Masyadong maraming nangyayari sa buhay ko kaya halos wala akong oras para hanapin ang mga sagot sa tanong ko.

    2. Naku. Pag-aaral? Kung minsan nakakabagot ang pagsisikap na matutunan ang mga bagay-bagay.

    3. Buong sigasig kong hinahangad na maunawaan ang katotohanan at mahanap ang mga sagot sa aking mga tanong.

  6. Pagtitiyaga:

    1. Nahihintay ko ang mga bagay nang hindi nagagalit o pinanghihinaan ng loob.

    2. Sa palagay ko puwede kong hintayin ang mga bagay-bagay, pero maaaring ikagalit ko ito.

    3. Ang paghihintay sa mga bagay-bagay ang pinakaayaw ko. Gusto kong narito na ang lahat ngayon.

  7. Pagpapakumbaba:

    1. Gusto kong matiyak na ako lang ang gagawa ng lahat ng bagay.

    2. Umaasa ako sa tulong ng Panginoon.

    3. Kapag may ginagawa akong isang bagay, kadalasan ay nalilimutan ko na maaari akong humingi ng tulong sa Ama sa Langit.

  8. Kasigasigan:

    1. Maraming oras ang iniuukol ko sa panonood ng TV, pakikisama sa aking mga kaibigan, at pag-iwas sa responsibilidad!

    2. Kadalasan ay nahihirapan akong magpokus sa mahahalagang bagay sa aking buhay, pero sinusubukan ko.

    3. Iniuukol ko ang oras at panahon ko sa pinakakamahalagang bagay.

  9. Pagsunod:

    1. Kusa kong sinusunod ang payo ng aking mga lider at mga magulang.

    2. Karaniwang sarili ko ang amo ko—kadalasan ay nahihirapan akong makinig sa iba.

    3. Sinusunod ko ang payo ng aking mga lider at mga magulang, pero kung minsan ay nagmamaktol ako tungkol dito.

Larawan
young woman

Ngayon ay tingnan ang iyong mga sagot. Aling mga katangian ang gusto mong pagbutihin pa? Para malaman kung paano tataglayin ang mga ito, maaari kang pumili ng isa o dalawang katangian at bigyang pansin ang mga ito habang nakikinig ka sa kumperensya.

At kung ang sagot mo ay napakahusay mo na sa bawat isa rito, ipagpatuloy ito! Maaari ka pa ring pumili ng isa o dalawa na pumasok sa isip mo habang kinukuha mo ang quiz at magpokus doon sa pag-aaral mo ng kumperensya. Saan ka man naroon sa iyong paglalakbay sa pagiging tulad ni Cristo, maaari kang bumaling sa tuwina sa mga turo ng ating mga lider para tulungan ka sa iyong landas.

Kung hindi mo maisip kung anong katangian ang gusto mong pagtuunan ng pansin, huwag mag-alala! Maaari mong pakinggan ang kumperensya sa tuwina at tingnan kung ano ang makakaagaw ng iyong pansin.

Kapag napili mo na ang katangiang gusto mong pagtuunan ng pansin, maaari mong isulat ito para handa ka nang tumanggap ng paghahayag tungkol dito habang pinakikinggan mo ang kumperensya o habang pinag-aaralan mo ang mga mensahe pagkatapos nito. Habang pinakikinggan at pinag-aaralan mo ito, hayaang gabayan ka ng Espiritu sa ilang partikular na paraan para mapagsikapan mong gawin ang katangian. Tingnan mo ang halimbawang ito na nasa ibaba!

Tala

  1. Robert D. Hales, “Pangkalahatang Kumperensya: Nagpapalakas ng Pananampalataya at Patotoo,” Liahona, Nob. 2013, 6.