2017
Dinalaw ni Jesus si Joseph Smith
October 2017


Mga Kuwento tungkol kay Jesus

Dinalaw ni Jesus si Joseph Smith

Larawan
Jesus visited Joseph Smith 1
Larawan
Jesus visited Joseph Smith 2
Larawan
Jesus visited Joseph Smith 3

Maraming taon makalipas ang pagkabuhay na muli ni Jesus, isang batang nagngangalang Joseph Smith ang nagkaroon ng katanungan. Hindi niya alam kung aling simbahan ang dapat niyang salihan.

Binasa ni Joseph ang Biblia. Nakasaad doon na sasagutin ng Ama sa Langit ang ating mga tanong kung magdarasal tayo sa Kanya. Nagtungo si Joseph sa kakahuyan at nagdasal sa Ama sa Langit.

Ang Ama sa Langit at si Jesus ay bumaba mula sa langit. Sinabi ni Jesus kay Joseph na huwag magpunta sa alinmang simbahan noon dahil hindi nila itinuturo ang lahat ng bagay na bahagi ng Kanyang Simbahan.

Nang lumaki na si Joseph, tumulong siya para maibalik ang Simbahan ni Jesus sa lupa. Ito ay tinatawag na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Tinutulungan nito ang mga tao na malaman ang tungkol kay Jesus at sa Ama sa Langit.

Ang pagbabasa ng mga banal na kasulatan ay marami pang itinuturo sa akin tungkol sa Ama sa Langit. Kapag nagdarasal ako, maaari rin Niyang sagutin ang mga dasal ko.