2017
Paano ako matutulungan ng Espiritu Santo?
October 2017


Mga Sagot mula sa Isang Apostol

Paano ako matutulungan ng Espiritu Santo?

Mula sa “Ang Espiritu Santo,” Liahona, Mayo 2016, 105–107.

Larawan
how can the Holy Ghost help me

Ang Espiritu Santo ang ikatlong miyembro ng Panguluhang Diyos. Nagpapatotoo Siya ukol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Tinuturuan Niya tayo. Binibigyan Niya tayo ng pag-asa. Tinutulungan niya tayong gumawa ng mabuti.

Binibigyan Niya tayo ng mga espirituwal na kaloob. Binibigyan Niya tayo ng kaalaman at tinutulungan tayong maalala ang mahahalagang bagay.

Tinutulungan Niya tayong maging malinis mula sa kasalanan. Pinapanatag Niya tayo.

Tinutulungan din tayo ng Espiritu Santo na gumawa ng mahahalagang desisyon.

Nangungusap Siya nang marahan sa ating puso at isipan. Maaaring iba ang pagkadinig ng bawat isa sa atin sa Kanya.