2017
Isang Bagong Propeta
October 2017


Mga Figure sa Kasaysayan ng Simbahan

Isang Bagong Propeta

Gupitin ang mga figure na ito para tulungan kang ibahagi ang mga kuwento ng kasaysayan ng Simbahan.

Larawan
a new prophet

Noong 1844, sina Joseph at Hyrum Smith ay nagpunta sa Carthage Jail para hintayin ang paglilitis sa kanila. Nakapasok ang masasamang tao sa bilangguan at pinatay ang Propeta at ang kanyang kapatid! Hindi tiyak noon ng mga Banal kung sino ang dapat na susunod na propeta. Kalaunan, sa isang miting kung saan nagsalita ni Brigham Young, isang himala ang nangyari. Maraming tao ang nagsabi na kamukha at kaboses siya ni Joseph Smith! Nalaman nila na siya ang susunod na propeta. Ngayon ay alam na natin na kapag namatay ang isang propeta, ang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol ang susunod na magiging propeta.