2014
Mga Kabatiran
Setyembre 2014


Mga Kabatiran

Saan ko matatagpuan ang pag-asa?

“Dumarating sa bawat isa sa atin ang mga panahon na kailangan nating malaman na bubuti rin ang mgabagay-bagay. … Ang masasabi ko ay ito mismo ang alok sa atin ng ebanghelyo ni Jesucristo, lalo na sa oras ng pangangailangan. Mayroong tulong. Mayroong kaligayahan. … Huwag kang susuko. Magpatuloy ka sa paglalakad. Subukan mo nang subukan. … Magiging maayos ang lahat sa huli. Manalig ka sa Diyos at maniwala sa mabubuting bagay na darating. … May mga biyayang dumarating kaagad, kung minsa’y huli na, kung minsa’y hindi dumarating hangga’t hindi tayo nakapupunta sa langit; subalit sa mga yumayakap sa ebanghelyo ni Jesucristo ay dumarating ito.

Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Dakilang Saserdote ng Mabubuting Bagay na Darating,” Liahona, Ene. 2000, 42, 45.