2014
Ako si Luca na mula sa South Korea
Setyembre 2014


Mga Kaibigan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Ako si Luca na mula sa South Korea

Anyoung, chingudul!*

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Gustung-gusto kong tumira sa South Korea. Masayang lumaki sa lugar na ito!

May espesyal na kahulugan ba ang pangalan mo? Sa Korea, ang pangalan ng isang tao kadalasan ay may mahalagang kahulugan. Ang kahulugan ng pangalan ng walong-taong-gulang na si Luca ay “liwanag.” Pinili ng kanyang mga magulang ang pangalang ito para ipaalala sa kanya na maaari siyang magkaroon ng magandang kinabukasan.

  • “Hello, mga kaibigan!” sa wikang Korean

Ako ang panganay na anak sa aming pamilya. Ang pangalan ng nakababata kong kapatid ay Erica.

Mahilig akong magbasa. Ako’y bilingual, na ibig sabihin ay kaya kong magbasa, magsulat, at magsalita kapwa sa Korean at sa Ingles.

Gustung-gusto ko ang football, at naglalaro ako sa isang indoor field buong taon.

Ang Chuseok ay isa sa aming pinakamalalaking pista-opisyal. Ito ay pagdiriwang ng pag-ani—isang Korean Thanksgiving.

Pumapasok ako sa paaralan mula alas-8:30 n.u. hanggang alas-2:30 n.h. Pagkatapos ay nagpupunta ako sa isang after-school academy na tinatawag na hak-won para sa karagdagang pag-aaral. Nag-aaral din ako ng piyano at art.

Ako ay mamamayan kapwa ng Estados Unidos at ng South Korea, kaya nakikibahagi ako sa programa ng Boy Scouts of America sa simbahan.

Paglalarawan ni Brad Teare