2014
Ang Landas ng Aking Tipan
Setyembre 2014


Ang Landas ng Aking Tipan

Larawan
Product Shot from September 2014 Liahona

May pananalig

Tipan ay isang kasunduan,

Pangako sa Panginoon.

Ako’y Kanyang pagpapalain

Kung salita N’ya’y susundin.

Pangako’y sundin Kanyang utos,

At liwanag N’ya’y susundan,

Pangako N’ya’y mga biyaya—

Kagalakan sa piling N’ya.

Igagalang ko ang aking tipan

At ang pangalan ni Jesus,

Mga utos N’ya’y aking susundin.

Tapat S’yang paglilingkuran.

Paninibaguhin, mga tipan

Sa sakramento t’wing Linggo,

At ‘pag nakapasok sa templo

Doo’y makikipagtipan.

Tatandaan ang mga tipan.

Ang aking gabay pabalik sa Ama.

Sa ‘king mga tipan magiging tapat

Mananatili sa tamang landas,

Sa pag-ibig ni Jesus.

Mananatili sa tamang landas,

Sa pag-ibig ni Jesus.

© 2014 nina Marvin K. Gardner at Vanja Y. Watkins. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Ginamit nang may pahintulot.
Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa angkop at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.
Ang paunawang ito ay kailangang isama sa bawat kopyang gagawin.