2014
Paghimig ng mga Himno
Setyembre 2014


Para sa Maliliit na Bata

Paghimig ng mga Himno

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Mahilig kumanta si Esi. Ang pagkanta sa Primary ay nagpapasaya sa kanya. Alam niya na gustung-gusto siyang marinig ni Jesus na kumanta.

Isang araw kinakanta nina Mama at Baba ang isang himno sa sacrament meeting. Gusto ring kumanta ni Esi, pero hindi niya alam ang mga titik nito.

“Bakit ka malungkot?” tanong ni Mama kay Esi.

“Hindi ko po alam ang mga titik,” sabi ni Esi.

“May naisip ako,” sabi ni Mama. “Sa susunod na linggo kapag kumanta kami, maaari kang sumabay sa paghimig.”

Gumanda ang pakiramdam ni Esi. Gusto niyang humimig.

Nang sumunod na linggo humimig si Esi habang kumakanta ng mga himno sina Baba at Mama. Masaya si Esi. Alam niya na gustung-gusto siyang marinig ni Jesus na humimig.

Mga paglalarawan ni Adam Koford