2014
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Agosto 2014


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang ideya.

“Mga Banana Bread Missionary,” pahina 54: Isiping gumawa ng banana bread sa inyong pamilya (o iba pang mga pagkaing hilig ng inyong pamilya) at ihatid ito sa mga tao na gustong bahaginan ng ebanghelyo ng inyong pamilya. Maaari din ninyong ibahagi ang mensaheng ibinabahagi ng mga banana bread missionary, imbitahin ang isang tao sa aktibidad ng Simbahan, o magbigay ng pass-along card.

“Ang mga Makabuluhang Aktibidad ay Magpapatatag sa Aking Pamilya,” pahina 74: Isiping magkaroon ng ilang “kids’ choice” family home evening sa buwang ito. Mapipili ng mga bata ang mga aktibidad, aralin, at paksa na lubhang kawili-wili sa kanila at maghahalinhinan sila sa pamamahala. Hikayatin ang bawat bata na isipin ang mga pangangailangan ng iba pang miyembro ng pamilya kapag pumipili ng mga aktibidad at aralin.

Sa Inyong Wika

Ang Liahona at iba pang mga materyal ng Simbahan ay makukuha sa maraming wika sa languages.lds.org.