2014
Ang Priesthood
Agosto 2014


Gabay sa Pag-aaral ng Doktrina

Ang Priesthood

“Ang kapangyarihan ng priesthood ay pagpapala sa ating lahat,” sabi ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol sa kanyang mensaheng, “Ang mga Susi at Awtoridad ng Priesthood.” “Ang mga susi ng priesthood ay gumagabay sa kababaihan gayundin sa kalalakihan, at ang mga ordenansa ng priesthood at awtoridad ng priesthood ay nauukol kapwa sa kababaihan at kalalakihan.” Dahil kailangan nating lahat na mas maunawaan ang priesthood, nilinaw ni Elder Oaks ang mahahalagang alituntunin sa kanyang mensahe sa kumperensya tungkol sa kapangyarihan, mga susi, at awtoridad ng priesthood. Ang sumusunod na mga tanong ay matutulungan kayong pag-aralan ang kanyang mensahe.

Mga tanong na pag-iisipan:

  • Ano ang mga susi ng priesthood, at bakit kailangan ang mga ito?

  • Ano ang kaugnayan ng mga susi ng priesthood sa awtoridad ng priesthood?

  • Nalilimitahan ba ng kasarian ang mga pagpapala ng priesthood?

Ang ibig sabihin nito sa akin:

  • Anong awtoridad ang ipinagkakaloob sa akin kapag tumatanggap ako ng mga atas o tungkulin mula sa isang maytaglay ng mga susi ng priesthood?

  • Anong mga responsibilidad ang kailangan kong gampanan sa kasalukuyan kong atas o tungkulin?

  • Ano ang matututuhan ko tungkol sa pagmamahal ng Diyos para sa akin mula sa mensaheng ito, at paano ko ito ibabahagi sa isang taong may mga katanungan?