2014
Pagmamahal, pag-ibig
Agosto 2014


Paghahanap ng Pagkakatulad

Pagmamahal, pag-ibig

Ang ilan sa pinakamahahalagang paksa ay hindi lamang tinatalakay ng isang tagapagsalita sa pangkalahatang kumperensya. Narito ang sinabi ng tatlong tagapagsalita tungkol sa pagmamahal:

  • Sa mga kabataan: “Manalig. Ang dalisay na pag-ibig ni Cristo na dumadaloy mula sa tunay na kabutihan ay kayang baguhin ang mundo.” —Elder Jeffrey R. Holland, “Ang Halaga—at mga Pagpapala—ng Pagkadisipulo,” 8.

  • Sa kababaihan: “Kapag hindi natin pinansin ang pagkakaiba natin sa edad, kultura, at kalagayan … , mapupuspos tayo ng dalisay na pagmamahal ni Cristo.” —Bonnie L. Oscarson, “Kapatiran ng Kababaihan: Ah, Kailangang-Kailangan Natin ang Isa’t Isa,” 121.

  • Sa kalalakihan: “Tayo … ay nangakong mamahalin ang Diyos at ating kapwa at handang ipakita ang pagmamahal na iyon sa salita at gawa. Iyan ang tunay na kahulugan ng kung sino tayo bilang mga disipulo ni Jesucristo.” —Pangulong Dieter F. Uchtdorf, “Kabahagi Ba Kayo sa Gawain ng Panunumbalik?” 61.