2021
Bakit Mahalagang Tahakin ang Landas ng Tipan
Mayo 2021


“Bakit Mahalagang Tahakin ang Landas ng Tipan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2021.

Sesyon

Bakit Mahalagang Tahakin ang Landas ng Tipan

Mga Sipi

landas

Ano ang landas ng tipan? Ito ang landas na humahantong sa kahariang selestiyal ng Diyos. Nagsisimula tayo sa landas papasok sa binyag. …

Maaaring sabihin ng ilan, “Makapipili ako ng tama mabinyagan man ako o hindi; hindi ko kailangan ang mga tipan para maging marangal at matagumpay na tao.” … Ano, kung gayon, ang kaibhan ng landas ng tipan sa iba pang mga landas?

Ang totoo, ang kaibhan ay natatangi at walang hanggan ang kahalagahan. …

Ang una ay ang uri ng ating pagsunod sa Diyos. Higit pa sa mabubuting intensyon, nangangako tayo na tapat na mabubuhay ayon sa bawat salita na magmumula sa bibig ng Diyos. Dito ay sinusunod natin ang halimbawa ni Jesucristo. …

Ang pangalawang natatanging aspeto ng landas ng tipan ay ang ating kaugnayan sa Diyos. Ang mga tipang ibinibigay ng Diyos sa Kanyang mga anak ay hindi lamang gumagabay sa atin. Ibinibigkis tayo ng mga ito sa Kanya. …

Ito ay naghihikayat para ating isipin ang pangatlong natatanging pagpapala ng landas ng tipan. Naglalaan ang Diyos ng halos hindi maunawaan na kaloob upang tulungan ang mga gumagawa ng tipan na maging mga tagatupad ng tipan; ang kaloob na Espiritu Santo. …

Pang-apat, ang mga nagpapatuloy sa landas ng tipan ay nakahahanap din ng natatanging mga pagpapala sa iba’t ibang pagtitipong itinakda ng Diyos [tulad ng mga sacrament meeting at pagsamba sa templo]. …

Sa huli, tanging sa pagpapatuloy sa landas ng tipan natin mamamana ang mga pagpapala nina Abraham, Isaac, at Jacob, ang pinakalubos na mga pagpapala ng kaligtasan at kadakilaan na tanging Diyos lamang ang makapagbibigay. …

Dinggin natin ang panawagan ng propeta na manatili sa landas ng tipan.