2021
Umasa kay Cristo
Mayo 2021


“Umasa kay Cristo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2021.

Sesyon sa Sabado ng Hapon

Umasa kay Cristo

Mga Sipi

kabataang nagdarasal sa isang lugar na tanaw ang bundok

Mga kapatid, sa panahong ito ng Pasko ng Pagkabuhay nakatuon tayo sa maluwalhating Pagkabuhay na Mag-uli ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Inaalala natin ang Kanyang mapagmahal na paanyayang “lumapit [kayo] sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.

“Pasanin ninyo ang aking pamatok, at matuto kayo sa akin; sapagkat ako’y maamo at may mapagpakumbabang puso: at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa.

“Sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang aking pasan” [Mateo 11:28–30].

Ang paanyaya ng Tagapagligtas na lumapit sa Kanya ay hindi lamang isang paanyaya sa lahat na lumapit sa Kanya kundi maging kabilang din sa Kanyang Simbahan. …

Nais ni Jesus na malaman natin na isang mapagmahal na Ama sa Langit ang Diyos.

Ang malaman na mahal tayo ng ating Ama sa Langit ay makatutulong sa ating makilala kung sino tayo at maunawaang kabilang tayo sa Kanyang dakilang pamilya na walang hanggan. …

… Sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap natin sa buhay, tulad ng umagang iyon ng unang Pasko ng Pagkabuhay, maaari tayong magising sa isang bagong buhay kay Cristo, na may mga bago at kahanga-hangang posibilidad at realidad sa paglapit natin sa Panginoon para sa pag-asa at pagiging kabilang. …

Ang sinasabi kong pag-asa kay Cristo ay hindi pangangarap lamang. Sa halip, ang pag-asang sinasabi ko ay pag-asam sa isang bagay na matutupad. Kailangan ang ganitong pag-asa upang madaig ang hirap, mapagyaman ang espirituwal na katatagan at lakas, at malaman na mahal tayo ng ating Amang Walang Hanggan at na mga anak Niya tayo, na mga kabilang sa Kanyang pamilya. …

Huwag kalimutan na kayo’y anak ng Diyos, na ating Amang Walang Hanggan, ngayon at magpakailanman. Mahal Niya kayo, at gusto at kailangan kayo ng Simbahan. Oo, kailangan namin kayo! Kailangan namin ang inyong mga tinig, talento, kasanayan, kabutihan, at pagkamatuwid.