2021
Ano ang Nagawa ng Ating Tagapagligtas para sa Atin?
Mayo 2021


“Ano ang Nagawa ng Ating Tagapagligtas para sa Atin?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2021.

Sesyon ng Priesthood

Ano ang Nagawa ng Ating Tagapagligtas para sa Atin?

Mga Sipi

libingang walang-laman ni Cristo

Ano ang nagawa ni Jesucristo para sa bawat isa sa atin? Ginawa Niya ang lahat ng mahalaga para sa ating paglalakbay sa mortalidad patungo sa tadhanang nakabalangkas sa plano ng ating Ama sa Langit. Babanggitin ko ang apat na pangunahing aspeto ng planong iyon. …

Ang Pagkabuhay na Mag-uli ay nagbibigay sa atin ng pananaw at lakas na tiisin ang mga hamon sa buhay na kinakaharap ng bawat isa sa atin at ng ating mga mahal sa buhay. Binibigyan tayo nito ng bagong paraan ng pagtingin sa pisikal, mental, o emosyonal na mga kakulangan na nasa atin na nang isilang tayo o nakuha natin sa buhay na ito. Binibigyan tayo nito ng lakas na tiisin ang mga kalungkutan, kabiguan, at kapighatian.

Binibigyan din tayo ng Pagkabuhay na Mag-uli ng malaking dahilan para sundin ang mga kautusan ng Diyos habang nabubuhay tayo sa lupa. …

Tiniis ng ating Tagapagligtas at Manunubos ang hindi maunawaang pagdurusa upang maging sakripisyo para sa mga kasalanan ng lahat ng mortal na magsisisi. Inialay ng nagbabayad-salang sakripisyong ito ang sukdulang kabutihan, ang dalisay na korderong walang bahid-dungis, para sa sukdulang kasamaan, ang mga kasalanan ng buong sanlibutan. …

… Itinuro sa atin ni Jesus ang plano ng kaligtasan. Kasama sa planong ito ang Paglikha, layunin ng buhay, pangangailangan sa oposisyon, at kaloob na kalayaang pumili. Itinuro din Niya sa atin ang mga kautusan at tipan na kailangan nating sundin at ang mga ordenansang kailangan nating gawin para makabalik tayo sa ating mga magulang sa langit. …

Dama at alam ng ating Tagapagligtas ang mga tukso, paghihirap, pasakit, at pagdurusang dinaranas natin, sapagkat kusang-loob Niyang dinanas ang lahat ng ito bilang bahagi ng Kanyang Pagbabayad-sala. … Dapat tandaan ng lahat ng nagdaranas ng anumang klase ng mga kahinaan sa mundo na ang ating Tagapagligtas ay nagdanas din ng gayong uri ng pasakit, at na sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, binibigyan Niya ang bawat isa sa atin ng lakas na makayanan ito.