“Kasama Natin ang Diyos,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2021.
Sesyon sa Linggo ng Umaga
Kasama Natin ang Diyos
Mga Sipi
Kapag ang pakiramdam natin ay hindi tayo mahalaga, itinakwil tayo, at kinalimutan, nalalaman natin na makatitiyak tayo na hindi tayo nalimutan ng Diyos—sa katunayan, na nag-aalok Siya sa lahat ng Kanyang anak ng isang bagay na mahirap isipin: ang maging “mga tagapagmana ng Diyos, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo” [Roma 8:17]. …
Dahil kay Jesucristo, hindi kailangang itakda ng ating mga kabiguan kung sino tayo. Maaari tayong pinuhin ng mga ito. …
Kung magsisisi tayo, hindi tayo mawawalan ng karapatan nang dahil sa ating mga pagkakamali. Bahagi ito ng ating pag-unlad. …
Madalas kong maisip, Ano kaya ang ituturo at gagawin ni Jesus kung kasama natin Siya ngayon? …
Ang Tagapagligtas ay laging nagtuturo ng mga walang-hanggang katotohanan. Angkop ang mga iyon sa mga tao anuman ang edad at sitwasyon.
Ang Kanyang mensahe noon at ngayon ay isang mensahe ng pag-asa at pagiging kabilang—isang patotoo na hindi pinababayaan ng ating Ama sa Langit ang Kanyang mga anak.
Na kasama natin ang Diyos! …
Sa paghahangad nating sundin si Jesucristo at lumakad sa landas ng pagkadisipulo, nang taludtod sa taludtod, darating ang araw na daranasin natin ang mahirap-isiping kaloob na pagtanggap ng kaganapan ng kagalakan. …
Ipinaaabot ko sa inyo ang aking pagmamahal at basbas sa masayang panahong ito ng Pasko ng Pagkabuhay. Buksan ang inyong puso sa ating Tagapagligtas at Manunubos, anuman ang inyong sitwasyon, mga pagsubok, pagdurusa, o pagkakamali; malalaman ninyo na Siya ay buhay, na mahal Niya kayo, at na dahil sa Kanya, hindi kayo mag-iisa kailanman.
Kasama natin ang Diyos.