“Mensahe ng Pagbati,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2021.
Sesyon sa Sabado ng Umaga
Mensahe ng Pagbati
Mga Sipi
Mahal kong mga kapatid at kaibigan sa buong mundo, personal ko kayong binabati sa pangkalahatang kumperensyang ito. …
Tunay na naiiba ang nakaraang taon. Walang dudang may natutuhan tayong mga bagay na hindi natin alam dati. Ang ilang aral na natutuhan ko dati ay nakasulat sa puso ko sa bago at nagpapalinaw na mga paraan.
Halimbawa, natitiyak ko na pinamamahalaan ng Panginoon ang mga gawain ng Kanyang Simbahan. …
Mas nauunawaan ko rin ngayon ang ibig Niyang sabihin nang sabihin Niyang, “Masdan, aking mamadaliin ang aking gawain sa panahon nito” [Doktrina at mga Tipan 88:73]. …
… Nitong nakaraang taon, lubhang napag-ibayo ng marami sa inyo ang pag-aaral ng ebanghelyo sa inyong tahanan. Pinasasalamatan ko kayo, at pasasalamatan kayo ng inyong mga anak. …
Bahagi ng pagtitipon ng Israel, at isang napakahalagang bahagi, ang utos sa atin bilang mga tao na maging karapat-dapat at handang tumulong na ihanda ang mundo para sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon.
Habang nakikinig tayo sa mga mensaheng maingat na inihanda ng ating mga pinuno sa ilalim ng patnubay ng Espiritu Santo, inaanyayahan ko kayong ipagdasal na matukoy ang mga basurang dapat ninyong tanggalin sa inyong buhay upang higit kayong maging karapat-dapat.
… Maligayang paglahok sa pangkalahatang kumperensya at sa pribilehiyong marinig ang tinig ng Panginoon.