2021
Magagawa Ninyong Tipunin ang Israel!
Mayo 2021


“Magagawa Ninyong Tipunin ang Israel!,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mayo 2021.

Sesyon ng Priesthood

Magagawa Ninyong Tipunin ang Israel!

Mga Sipi

kabataang umaakyat sa isang burol

Halos tatlong taon na ang nakararaan, inanyayahan ni Pangulong Russell M. Nelson ang lahat ng kabataan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw na sumali sa “grupo ng mga kabataan ng Panginoon para tumulong na tipunin ang Israel” sa magkabilang panig ng tabing. Sabi niya, “Ang pagtitipon na ito ang pinakamahalagang nangyayari sa mundo ngayon” [“Pag-asa ng Israel” (pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018), 8, HopeofIsrael.ChurchofJesusChrist.org]. Talagang nakatitiyak ako na kaya ninyong mga kabataan na magawa ito—at magagawa ninyo ito nang napakahusay—dahil sa (1) isang bagay tungkol sa inyong identidad, at (2) sa malakas na kapangyarihan na taglay ninyo. …

… Ayon sa aklat ng Apocalipsis, “nagkaroon ng digmaan sa langit”! [Apocalipsis 12:7–8]. Nalinlang ni Satanas sa tusong paraan ang ikatlong bahagi ng mga espiritung anak ng Ama sa Langit at hinayaan nilang manaig siya sa halip na ang Diyos. Ngunit hindi kayo! Nakita ni Apostol Juan na nadaig ninyo si Satanas “dahil sa salita ng [inyong] patotoo”… [Apocalipsis 12:11].

… Ang malaman na nadaig ninyo noon si Satanas dahil sa salita ng inyong patotoo ay makatutulong sa inyo na magmahal, magbahagi, at mag-anyaya ngayon at sa tuwina—anyayahan ang iba na pumarito at tingnan, pumarito at tumulong, at pumarito at maging kabilang, habang patuloy na tumitindi ang digmaan ding iyon para sa kaluluwa ng mga anak ng Diyos. …

Ang programang Mga Bata at Kabataan ay isang kasangkapan ng propeta upang matulungan kayong mga kabataan na palakasin pa ang inyong malaking pananampalataya. … Habang nangunguna kayong mga kabataan—nangunguna—sa pagsasabuhay ng ebanghelyo, pangangalaga sa iba, pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo, pagbubuklod ng mga pamilya sa kawalang-hanggan, at pag-oorganisa ng masasayang aktibidad, ang malaking pananampalataya ninyo kay Cristo sa premortal na buhay ay muling mangingibabaw at magbibigay-kakayahan sa inyo na magawa ang Kanyang gawain sa buhay na ito!