2025
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Hulyo 2025


Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Hunyo 30–Hulyo 6: Doktrina at mga Tipan 71–75

Mga Pusong Naglilingkod

Mga bata na naglalagay ng mga papel na puso sa isang pinto

Tinatawag ng Diyos ang mga bishop at branch president na tumulong sa paglilingkod sa mga tao sa kanilang mga ward o branch (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 72:2). Gupitin ang mga papel na puso at isulat sa bawat isa ang mga bagay na gusto mo sa iyong bishop o branch president. Idikit ang mga puso sa pintuan ng kanilang opisina o tahanan.

Hulyo 7–13: Doktrina at mga Tipan 76

Selestiyal na Araw

Batang may hawak na araw na gawa sa dilaw na papel

Balang-araw makakasama natin ang Ama sa Langit, si Jesucristo, at ang ating mga pamilya sa kahariang selestiyal (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76:62, 70, 92). Inihahambing ng mga banal na kasulatan ang kahariang selestiyal sa araw. Gumamit ng paper plate o isang papel para gumawa ng araw. Gumupit ng mga tatsulok na papel para sa sinag ng araw at idikit o i tape ang mga ito sa bilog. Pag-usapan kung ano ang magagawa ninyo ngayon para makapaghanda na mamuhay kasama ang Ama sa Langit at si Jesucristo balang-araw.

Hulyo 14–20: Doktrina at mga Tipan 77–80

Mga Kilos ng Hayop

Bata na pinoporma ang kanilang mga daliri para magmukhang mga tainga ng kuneho

Sa ilalim ng pamamahala ng Diyos, nilikha ni Jesucristo ang bawat nilalang sa lupa (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 77:2). Maglaro ng hulaan kung anong hayop ito! Ang isang tao ay nagpapanggap na isang partikular na hayop. Susubukang hulaan ng lahat kung anong hayop ito. Kapag tama ang hula mo, sabihin mo ang isang bagay na gusto mo tungkol sa hayop na iyon.

Hulyo 21–27: Doktrina at mga Tipan 81–83

Kumanta at Magdasal

Mga batang kumakanta

Dinirinig lagi ng Ama sa Langit ang ating mga dasal (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 81:3). Kasama ang inyong pamilya, kantahin ang “Panalangin ng Isang Bata” (Aklat ng mga Awit Pambata, 6). Simulan ang kanta sa isang tao lamang. Tapos ay unti-unting sasali ang lahat. Pagkatapos ninyong kumanta, pag-usapan ang mga bagay na maaari ninyong ipagdasal bilang pamilya.

PDF ng pahina

Mga larawang kuha ni Christina Smith