Hello mula sa Taiwan!
Ang Taiwan ay isang isla na malapit sa Hong Kong. Mahigit 23 milyong tao ang naninirahan doon. Ang mga wikang sinasalita rito ay ang Mandarin, Hokkien, at Hakka.
Oras para Umidlip!
Sa Taiwan ay karaniwan sa mga paaralan at opisina ang umidlip pagkatapos ng tanghalian.
Isang Espesyal na Bulaklak
Ang plum blossom ay naging opisyal na simbolo ng Taiwan noong 1964. Pinili nila ito dahil namumulaklak ito kahit sa panahon ng taglamig.
Mabilis na Paghahatid
Ang Taipei 101 ang pinakamataas na gusali sa Taiwan. Mabilis talaga ang elevator nito kaya 37 segundo lamang ay makakaakyat na mula sa 5th floor papunta sa 89th floor.
Maraming Bundok
Mahigit kalahati ng Taiwan ay bulubundukin. May ilang bulkan din, pero daan-daang taon na mula nang pumutok ang mga ito.
Magandang Bahaghari
Ang pinakamatagal na paglitaw ng bahaghari sa mundo ay nangyari sa Taiwan. Nakita ito ng mga tao sa loob ng halos siyam na oras!
Pagdiriwang na Sky Lantern
Ang Lantern Festival ng Taiwan ay simbolo ng pag-asa, kagalakan, at pagkakaisa. Sa panahon ng malaking kapistahang ito, ang mga tao ay gumagawa ng mga parol at pinapalipad ang mga ito sa kalangitan.
Mga larawang-guhit ni Book of Lai