2025
Ang Magandang Mundo Natin
Hulyo 2025


Ang Magandang Mundo Natin

Hango sa “Ang Ating Tungkuling Pangalagaan ang Mundo,” Liahona, Nob. 2022, 57–59.

Larawan ng hardin na may tulay at lawa na gawa sa pinunit na papel

Dinala namin ng asawa ko ang ilan sa aming mga apo sa isang napakagandang hardin sa France. Hinangaan namin ang magagandang taniman ng bulaklak, water lily, at mga lawa.

Ang hardin ay dating pag-aari ng isang tao na nagngangalang Claude Monet. Isa siyang mahusay na pintor. Maingat niyang pinangalagaan ang kanyang hardin sa loob ng 40 taon. Lumikha siya ng daan-daang mga painting na nabigyang inspirasyon ng kanyang hardin.

Ang kagandahan ng kalikasan ay makatutulong sa atin na magpasalamat sa ating Ama sa Langit at sa Kanyang Anak na si Jesucristo. Nilikha nila ang magandang mundong ito na may mga bundok, batis, halaman, at hayop.

Ipinapakita ng mga kahanga-hangang likhang ito kung gaano tayo kamahal ng Diyos. Gayunpaman, may kaakibat na mga tungkulin at responsibilidad din ang mga ito. Ito ang tinatawag na pagkakatiwala. Kailangan nating alagaan ang mga bagay na nilikha ng Diyos para sa atin.

Inaanyayahan din tayo ng ating Ama sa Langit na makibahagi sa Kanyang malikhaing gawain. Maaari tayong lumikha ng sining, musika, at iba pang mga bagay upang lumiwanag ang ating buhay at pagpalain ang iba.

Nangangako ang Diyos ng malalaking pagpapala kapag minamahal at inaalagaan natin ang mundo at ang isa’t isa. Kapag ginawa mo ito, lalo mong madarama ang Kanyang pagmamahal sa iyong buhay.

Sining ng Punit na Papel

Itinuro ni Bishop Caussé na maaari rin tayong maging mga manlilikha! Narito ang isang craft na maaari ninyong gawin para ipaalala sa inyo ang magagandang nilikha ng Ama sa Langit.

  1. Maghanap ng larawan ng isang bagay sa kalikasan na nagbibigay-inspirasyon sa iyo.

  2. Sa isang papel, gumamit ng lapis para idrowing ang iba’t ibang bahagi ng larawan.

  3. Punitin ang colored paper na gagamitin sa iyong larawan.

  4. Idikit ang mga kulay na piraso ng papel sa loob ng iyong outline.

PDF ng pahina

Larawang-guhit ni Maddie Baker