2024
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Nobyembre 2024


“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Nobyembre 2024, 28–29.

Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Para sa home evening o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!

Oktubre 28–Nobyembre 3

Mahalin ang Isa’t isa

Para sa Mormon 1–6.

Mga batang naglalaro ng isang game

Mahal ni Mormon ang mga Nephita (tingnan sa Mormon 3:12). Hiniling na sa atin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na mahalin din ang iba. Tumayo sa isang bilog at ipikit ang inyong mga mata. Bumilang hanggang tatlo, pagkatapos ay imulat ang inyong mga mata at tumingin sa isang tao. Kung magkatinginan kayo, sabihin ang isang bagay na gustung-gusto ninyo tungkol sa isa’t isa at lumabas ng bilog. Magpatuloy hanggang sa isang tao na lang ang matira! Tapos ay magsasabi ang lahat ng gustung-gusto nila tungkol sa taong iyon.

Nobyembre 4–10

Sining ng Himala

Tingnan sa Mormon 7–9.

Mga suplay sa pagdodrowing

Kapag sumusunod tayo kay Jesucristo, maaari tayong biyayaan ng Ama sa Langit ng mga himala. Basahin ang Mormon 8:24 at magdrowing ng isa sa mga himalang inilarawan sa talata. Habang nagdodrowing ka, ikuwento kung anong mga himala ang nagawa ng Ama sa Langit para sa inyong pamilya.

Nobyembre 11–17

Pagpipinta ng mga Bato

Tingnan sa Eter 1–5

Sining sa bato

Hiniling ng kapatid ni Jared sa Panginoon na hipuin ang mga bato upang magkaroon ng liwanag ang kanyang mga bagara (tingnan sa Eter 3). Mangolekta ng mga bato sa labas o gumupit ng mga bilog mula sa mga piraso ng papel. Sa inyong mga bato o papel, isulat, idrowing, o ipinta ang mga bagay na maaari ninyong gawin para maghatid ng liwanag at pagmamahal sa iba.

Nobyembre 18–24

Mga Awitin ng Pasasalamat

Para sa Eter 6–11.

Mga batang sabay-sabay na kumakanta

Habang naglalakbay sila patawid ng dagat, umawit ang kapatid ni Jared at ang kanyang pamilya ng mga papuri sa Panginoon para pasalamatan Siya sa pagtulong sa kanila (tingnan sa Eter 6:9). Maaari kayong kumanta para pasalamatan din ang Panginoon! Pumili ng isang paboritong awitin mula sa Aklat ng mga Awit Pambata o sa website ng Simbahan at kantahin ito nang sabay-sabay. Paano pa ninyo maipapakita sa Ama sa Langit na nagpapasalamat kayo?

PDF

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill