“Ang Kapatid ni Jared,” Kaibigan, Nobyembre 2024, 24–25.
Alamin ang Tungkol sa Aklat ni Mormon
Ang Kapatid ni Jared
Gumawa ang mga Jaredita ng mga selyadong bangkang tinatawag na mga gabara para maglakbay papunta sa lupang pangako.
Pero may tanong ang kapatid ni Jared. Paano sila makakahinga sa loob ng mga gabara? Humingi siya ng tulong sa panalangin, at sinabi ng Panginoon na gumawa ng mga butas sa mga gabara para makapasok ang hangin.
May isa pang tanong ang kapatid ni Jared. Paano sila magkakaroon ng liwanag? Sa pagkakataong ito, itinanong ng Panginoon kung ano ang nais ng kapatid ni Jared na gawin Niya para magkaroon ng liwanag ang mga Jaredita.
Pagkatapos ay nagkaroon ng ideya ang kapatid ni Jared. Hiniling niya sa Panginoon na hipuin ang 16 na batong maliliit. Nang hipuin ng Panginoon ang mga iyon, kuminang ang mga iyon!
Maaari nating dalhin sa Panginoon ang ating mga tanong. Gusto Niyang tulungan tayo na malutas ang ating mga problema.
Hamon sa Banal na Kasulatan
-
Saan itinago ni Ammaron ang mga laminang ginto para hanapin ni Mormon? (Mormon 1:2–3)
-
Saan tumayo ang Panginoon habang sinasabi Niya sa mga Jaredita kung saan maglalakbay? (Eter 2:5)
-
Saan dinala ng Panginoon ang mga ninuno ni Shul? (Eter 7:27)
Maaari Kong Basahin ang Aklat ni Mormon!
Pagkatapos mong magbasa, kulayan ang ilang bahagi ng larawan. Maaari mong basahin ang mga talatang ito na nauugnay sa babasahin sa bawat linggo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.
-
Linggo 1: Mormon 3:20–22
-
Linggo 2: Mormon 7:8–10
-
Linggo 3: Eter 4:11–12
-
Linggo 4: Eter 6:12
Mga larawang-guhit ni Brooke Smart